top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Nobyembre 18, 2020 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 18, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 18, 2020 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman. Mahalin at pahalagahan mo ang mga biyayang mapasasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay para sa iyo rin. Huwag mong aksayahin ang magagandang bagay na mahuhulog sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-10-28-30-34-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpakita ka ng tapang at ipakikita sa iyo ng langit at iyong mahahawakan ang mga premyo para sa mga taong kakikitaan ng tapang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-35-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Ang nakukuha sa bilis ay mawawala nang mabilis. Mas magandang isabuhay ang positibong paghihintay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-28-30-45-55.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang wala ka, ‘yun ang iyong pangarapin at kung ano na ang nasa iyo ay iyong sinupin. Ito ang susi upang gumanda ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-26-37-49-50.


LEO (July 23-Aug. 22) - Humugot ka ng lakas sa mga nakaraang pagsubok na iyong pinagtagumpayan. Sa ganitong paraan, ang iyong mga pinagdaraanan ay iyong malalagpasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-29-30-33-35-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang mangopya. Ang totoo nga, rito sa mundo, ang mga gumagaya sa magagandang ginawa ng iba ay pinupuri at hinahangaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-35-38-48.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit hindi mo kailangan, kunin mo at saka mo ipamigay sa mga nangangailangan. Ito ang kahulugan ng pakikiisa sa dinaranas na hirap at dusa ng mga nabiktima ng kalamidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-29-31-33-34-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumulong ka kahit ikaw ay nangangailangan din ng tulong. Madarama mo ang tunay na diwa ng pagtulong kung saan sasarap ang pakiramdam mo at giginhawa ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-16-22-30-50.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa pag-iipon ng mga bagay na makatutulong sa nangangailangan. Ang paisa-isang bagay, kapag pinagsama ay darami rin tulad ng butil sa isang sakong bigas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-27-35-36-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa dulo ng landas ng dilim ang liwanag, kaya kailangang magpatuloy ka at hindi ka dapat sumuko. Magandang magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-8-16-18-26-49.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nawawala ang mga bagyo, kaya anumang bagyo na dumating sa buhay mo, dapat maging matatag ka. Harapin mo ang bawat umaga nang taas-noo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-29-30-31-47-51.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Una-una lang. Ang unang dumating, siya muna ang tapusin. Ibig sabihin, hindi maganda para sa iyo na pagsabay-sabayin ang mga nakikita mong takaw-tingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-26-35-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page