top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Nobyembre 11, 2020 (Miyerkues)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 11, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 11, 2020 (Miyerkues): Hindi ka mabibigo. Mas malakas ka kaysa sa pangkaraniwan, kaya ituon ang iyong lakas para sa iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami ang nag-iisip sa paligid mo na kapantay mo sila. Ang hindi nila alam, malabong mangyari ang ganu’n dahil mas matatatag ang pagkatao mo kaysa sa kanilang lahat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-23-30-40-45-51.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa magagandang aral na natutunan mo sa iyong mga karanasan. Ang mga ito ay magiging sandalan mo para hindi ka matalo ng mga pagsubok na iyong kinakaharap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-29-30-34-42-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Maghanap ka ng ibang paraan kapag nahihirapan kang isagawa ang mga plano mo. Tiyak namang may makikita ka dahil likas na sa iyo ang pagiging mapamaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwertteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-29-35-37-45-53.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang papayag na may makialam sa buhay mo. Higit kaninuman, mas alam mo kung ano ang mabuti at masama sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-19-25-27-48.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang umasa sa mga taong alam mong mahilig magpaasa. Ito ay para hindi masaktan ang damdamin at puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-24-27-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipadama mo ang pagmamahal sa walang nagmamalasakit. Hindi nabubuhay ang tao sa kanyang sarili lang. Ang bawat isa ay kailangan ng karamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-29-34-49-54.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka sasaya, ‘yun ang piliin mo. Hindi mahalaga kung maghirap o gumasta ka dahil ang mahalaga ay sumaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-26-34-35-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Laban lang! Makakaya mo rin ang mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Tiwala lang sa sarili dahil ang lumalaban ay hinahangaan ng langit at Kanyang kinakampihan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-26-34-38-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sakyan mo ang agos ng panahon dahil sa ganitong paraan, hindi ka mabibigo. Muli, sakyan mo ang agos ng panahon dahil makikinabang ka habang lumilipas ang mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa loltto-20-23-29-30-31-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumagay ka sa tama at ang mali ay iyong layuan. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay. Ito rin ang magsasasabing darami ang mga tutulong at aalalay sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-29-30-45-48-50.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na nakatutulong sa kapwa. Kapag pinagsasama ang maliit ay lumalaki rin at minsan, ito ay kasing laki ng bundok. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-30-31-39-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ingatan mo ang iyong imahe sa publiko. Sa ganitong paraan, magpapatuloy ang magandang pagtingin sa iyo ng mga tao na mapakikinabangan mo sa negosyong iyong pinagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-26-38-49-53.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page