Horoscope | Mayo 7, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- May 7
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 7, 2026 (Huwebes): Nakabantay sa iyo ang langit, at handa Niyang ipagkaloob sa iyo anumang tulong na kailangan mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ang payo ng kapalaran mo ay huwag kang maghintay, bagkus, kumilos ka lang nang kumilos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-17-21-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simple lang naman kung paano ka bubuwenasin. Huwag kang manatili sa iisang sitwasyon. Maghanap ka ng magagawa, kahit na ano. Ito ang susi para gumana ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-19-24-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Darating na ang mga suwerte mo at hindi ito kayang hadlangan ng mga taong naiinggit sa iyo. Ang mas maganda nilang gawin ay pakitaan ka ng kabutihan upang makabahagi sila sa mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-12-28-31-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Muling gagana ang iyong mayamang imahinasyon. Kapag may nabuo kang magandang ideya, gawin mo agad. Ito ang susi para mapasaiyo ang mga gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-20-26-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - May isang tao na balak kang isahan, gayunman ‘di pa rin siya magtatagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-27-22-30-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papahina nang papahina ang puwersa ng mga lihim mong kaaway, at maging ang mga lantaran mong kaaway ay isa-isa nang malalaos at malalampa. Gayunman, aasta pa rin silang malakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-23-29-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi maganda kung malulungkot ka lang. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-25-31-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukuha ng mas malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang lihim na dahilan kung bakit parang nawalan ng kilos ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-20-30-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na mag-isip kahit abala ka sa ginagawa mo. Palatandaan ito na magpapatuloy pa rin ang pagdagsa ng magagandang ideya, na agad-agad namang susundan ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-22-26-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangan mo ang pahinga, hindi lang sa katawan kundi maging sa isipan, nang sa ganu’n ay manariwa ang lakas mo at talas ng isip na kailangang-kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-28-32-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mas sasaya ka pa ngayon. Kaya walang dahilan para magsawa ka. Ngunit pagkatapos ng mga kalungkutan, sunud-sunod na darating ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-26-31-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito, at hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-13-21-25-34-44.



Comments