Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 24, 2020 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 24, 2020



Sa may kaarawan ngayong hunyo 24, 2020 (Miyerkules): Piliin mo kung ano ang maganda para sa iyo. Ang anumang maganda ay nakalaan sa iyo. Ito ang dikta ng iyong kapalaran habang ikaw ay nabubuhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ngayon ang araw para pahirapan mo ang iyong sarili sa sobrang pagsisikap. Ikonsidera mo ang pamamahinga at pagpapasaya sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit. Kailangang humiling ka. Hindi maganda ang madalas na sinasabi ng ilang mapagkunwari na kahit ano lang ang ibigay ng langit ay hindi sila aangal. Masuwerteng kulay-black.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang hindi mo natapos na gawain dahil biglang nag-iba ang isipan mo. Sa pabagu-bago ng isip, ang tao ay walang natatapos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magdalawang-isip na magpatulong sa alam mong makatutulong sa iyo na hindi ka pababayaaan. Sa halip, mag-alinlangan ka sa ibang tao na hindi malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang nagpapakita ng maganda dahil nakagawa ng pagkakamali. Ang tao ay marunong matututo na kilalanin ang mga paulit-ulit na nagkakasala sa kanya. Masuwerteng kulay-red.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga taong magaling lang kapag may nakukuhang pakinabang sa iyo at nawawala kapag ikaw ang nangangailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi maganda kapag pinagsasabay-sabay ang mga gawain. Tutukan nang isa-isa ang mga ito nang sa gayun ay makapagbigay ng nakamamanghang resulta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit mahirap ang mga gawain, kaya mo rin namang tapusin. Hindi mo kailangan ng alalay dahil magtatagal lang at hindi ito matatapos nang maayos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lagyan mo ng saya ang ginagawa mo. Ang pagiging seryoso ay nagreresulta sa sobrang pagod ng isipan at katawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, roon ka. Huwag mong pahalagahan ang iyong kikitain dahil sa totoo lang, walang katumbas na halaga ang makaranas ang tao ng wagas na saya. Masuwerteng kulay-purple.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong walang magawa kundi pintasan ang kapwa. Ngayon, ang pipintasan ay ibang tao dahil kaharap ka pero sa ibang araw, ikaw na ang sisiraan. Masuwerteng kulay-pink.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kayanin mo ang akala mo ay hindi mo kaya. Hindi maganda na mabuhay ka sa akala. Kapag nagawa mo ang akala mong hindi mo kakayanin, ang magagandang kapalaran ay darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.