top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Hulyo 29, 2020 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 29, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 29, 2020 (Miyerkules): Kalinisan ng puso ang nakikita sa iyo ng langit kaya naman, ang bawat hiling mo ay ipagkakaloob sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasayahin mo ang hindi mo kilala dahil ito ang isa sa kondisyon bago mahulog sa iyo ang malaking suwerte na labis-labis mong ikatutuwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsuot ka ng sapin sa paa na walang takong. Ito ay para mahatak mo ang mga suwerte na nasa paligid. Gawin mo ito dahil masayang-masaya ang puso ng taong binubuwenas. Masuwerteng kulay-blue.

GEMINI (May 21-June 20) - Bawat kilos mo, dapat may pakinabang ka o dapat na sasaya ka. Huwag mong sayangin ang iyong lakas sa mga bagay na magpapahina lang sa iyong katawan o kalusugan. Masuwerteng kulay-black.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon din ang masuwerteng araw para sa iyo sa paghiling sa langit ng kung ano talaga ang gusto mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon. Kaya lang, tulad ng dati, lihim lang at ikinukubli mo ang lungkot at sakit ng puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa malalapit sa puso mo ang iyong mga suwerte. Ituloy mo lang ang magandang pakikitungo sa kanila. Ito ang sikreto nang sa gayun ay mapasaiyo nang palihim ang kanilang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin nang may saya at ngiti. Ito ang sikreto upang maakit mo ang mga suwerte sa paligid na naghihintay lang na dumapo sa mga taong nakatago ang lungkot. Masuwerteng kulay-brown.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magbabago ng pasya dahil kung susuriin ang iyong nakaraan, umaasenso ang buhay mo dahil sa iyong paninindigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Ang mga hindi mo nagawa ngayon ay simpleng nagsasabi na sa ibang araw ay puwede mo na rin itong gawin. Masuwerteng kulay-green.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Likas kang mapalad, kaya maghintay-hintay ka lang at huwag kang mainip. Ang naiinip ay lalong nilalalayuan ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya ang magnet mo upang mapasaiyo ang mga suwerteng inaasam-asam mo. Kaya labanan mo ang lungkot, galit at inis. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang bago ka tuluyang kumilos. Paano? Hahakbang ka muna at hihinto sandali. Ituloy mo na ang gusto mong gawin. Ito ang sikreto kung paano ka magiging masuwerte. Masuwerteng kulay-pink.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page