top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | Hulyo 17, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 17, 2026 (Biyernes): Itinakda nang mapasaiyo ang malalaking ambisyon. Hindi na ito magbabago kahit pa magkamali ka ng pasya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa likod ng mga hamon ng iyong kapalaran ang naglalakihang suwerte, kaya harapin mo nang mukhaan ang mga hamon sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-18-28-36-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap paniwalaan na ang iyong magagandang kapalaran ay magmumula sa mga malalapit sa iyo na madalas ay siya mo ring kinaiinisan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-21-25-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng masasayang kulay para hindi lang simpleng kasiyahan ang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-16-24-26-33.


CANCER (June 21-July 22) - Kung masaktan ka man ngayon, hindi iyon matatawag na negatibong pangyayari, bagkus sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran na ang darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-22-29-32-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gagawin kang instrumento ng langit, at ang magiging papel mo sa buhay ng isang tao ay ang maging tagapagturo kung saang paraan niya makakamit ang mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-23-30-37-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang kaya mo, iyon ang gawin mo. Humihina ang makina kapag masyadong mabigat ang kanyang binubuhat. Ito ang payo para sa iyo upang makaiwas ka sa karamdaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-31-36-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka lang, isuot mo ang iyong damit na panlakad. Dahil ang damit na ito mismo ang magsisilbing pampasuwerte mo. Muli, isuot mo ang iyong damit na panlakad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-24-28-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pairalin ang lakas sa lakas at ang ngipin sa ngipin. Mas makabubuti sa iyo na manatili kang tahimik sa kabila ng mga intrigang likha lamang ng iyong kaaway. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-21-26-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangang gawin anumang bagay para lamang suwertehin. Sapat nang makita ng langit na ginagawa mo ang lahat para sa iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-15-25-30-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka bibiguin ng langit sa gagawin mong kahilingan. Kaya humiling ka kahit pa nag-aalinlangan ka. Ang mas maganda para sa iyo ay hilingin mo na ang pinakagusto mo sa lahat. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-19-21-29-35-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong labanan ang umaaway sa iyo, dahil kahit wala kang gawin, kaya mo silang talunin. At ang huling halakhak ay nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-12-23-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipinapayo ng iyong kapalaran na ‘wag kang magsusuot ng tsinelas sa loob ng bahay, dahil ito ang susi upang buwenasin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-24-28-35-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page