top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | August 7, 2022 (Linggo)

  • BULGAR
  • Aug 7, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 7, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 7, 2022 (Linggo): Mayamang imahinasyon ang regalo ng iyong kapalaran, gamitin mo ito sa makabuluhang bagay, lalo na sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang kapalaran na dadayain mo ang iyong sarili, kung saan ang hindi mo pa hawak ay aangkinin mo. Tandaan, sa mundo ng reyalidad, ang hawak lamang ng mga kamay mo ang talagang sa iyo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-24-25-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsaya ka dahil sa pag-ikot ng gulong ng kapalaran, ang magagandang bagay ay mapasasaiyo. Ang mga hawak mo na hindi maganda ay mawawala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-21-23-38-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Nananariwa ang mga halaman kahit sa panahon ng tag-araw. Sa buhay mo, kahit ngayon ay problemado ka, sisingit pa rin ang sunod-sunod na suwerteng hindi mo inaasahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-25-27-34-37.

CANCER (June 21-July 22) - Lalambot ang puso mo, kaya bibigyan mo ulit ng pagkakataon ang nagkamali sa iyo kahit ang nagawa niya ay sapat na dahilan para tapusin na ang lahat sa inyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-27-28-35-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sa kabila ng akala mo na wala nang pag-asa, sa dulo ng mga pangyayari ay mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang biglang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-29-31-32-36-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbabalita ang araw na ito na naghahanda na ng mga regalo para sa iyo ang isang nasa malayo. Bukod pa ito sa hindi ka kayang tanggihan sa gagawin mong personal na kahilingan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-9-11-14-26-26.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahaba ang mga araw para mapatatag mo ang iyong sinimulan na munting negosyo. Hindi magtatagal ay magiging malaki at maraming sangay ang negosyong ito sa maraming lugar. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-27-29-30-35-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makisawsaw sa problema ng iba. Kadalasan, ang nakikialam sa problema ng kapwa ay nagkakaproblema sa huli. Mas maganda na manahimik ka na lang muna. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-22-29-31-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makisabay ka sa panahon. Kung ano ang bago, dapat ‘yun ang sa iyo. Huwag kang magpatali sa luma dahil maiiwanan ka ng iyong mga karibal nang sobrang layo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-26-27-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madali namang sumaya ngayon. Halos lahat ay marunong magpasaya ng kapwa. Huwag kang mabuhay sa sarili mo lang nang sa gayun, ang kalungkutan mo ay iyong masolusyunan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-21-23-28-30-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nahuhulog ang mga naipong alikabok kapag ginagalaw ang isang bagay na matagal nang hindi nababago ang puwesto. Ito na ang panahon para baguhin mo ang iyong prayoridad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-18-21-28-31-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isinasauli ang sobra at ang kulang ay ibinabalik. Ito ang iyong isabuhay upang lalong umunlad ang negosyo mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-23-25-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page