top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 12, 2022 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 12, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 12, 2022 (Biyernes): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran na magkaroon ng magandang buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madadama mo ang mga nasa iyong paligid na mahina ang personalidad at tila kapos sa katwiran. Hayaan mo lang, hindi maganda kung pupunahin mo pa sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-38-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalapit sa iyo ng langit ang isang mag-aangat sa buhay mo. Ngayon magsisimula na matupad mo ang iyong maliliit at malalaking pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-11-14-23-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Aangat ang kalagayan mo kapag kumilos ka nang kumilos. Sa kasalukuyan, sobrang mahalaga ang mga pagkilos kaysa sa iba pang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-21-24-33-36-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi puwedeng isawalang-bahala ang mga problema sa iyong harapan. Harapin mo at makikita mo na ang mga suwerte ay sasaiyo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-18-22-27-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dumadapo ang mga suwerte sa mga taong tuloy-tuloy na nagsisikap. Kaya ipakita mo ngayon sa langit na ikaw ay hindi natitinag sa mga pagsubok, habang ang iba ay sumuko na. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-4-11-18-29-37-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Magsaya ka dahil ‘pag nagsasaya ang tao, siya ay nagkakaroon ng positibong pakiramdam na magbibigay sa kanya ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-15-16-25-31-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kasabay ng pagbabalik ng minsang naging bahagi ng iyong buhay, babalik din sa iyo ang mga panahong ang mga suwerte mo ay parang hindi nauubos dahil sa sobrang dami. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-27-33-35-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang dapat ang maging paunang puhunan mo. Huwag kang tumulad sa naghahanap ng mas malaki, na sa huli ay walang nagawa kundi ang magsisi. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-28-32-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Kung ano ang gusto mo, ‘yun din ang gusto ng langit. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-20-30-36-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mismong langit ang kikilos para sa iyo sa mga bagay na hindi mo kaya dahil natutuwa ang nasa itaas kapag nagpupumilit ka. Ang premyo mo ay langit mismo ang magkakaloob ng iyong mga pinapangarap. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-5-14-29-31-36-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Biglaan mong masusumpungan ang iyong sarili na yakap-yakap ang suwerte mo. Huwag mong kalimutan ang mga taong tumulong sa iyo sa panahon ng iyong kagipitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-16-22-28-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtatangka ang mga lihim mong kaaway na pabagsakin ka, pero ang nakakagulat at nakakamangha, ang mga nagtatangka na pabagsakin ka ang makakaranas ng pagbagsak ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-24-27-35-36.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page