Horoscope | Abril 16, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 16, 2023 (Linggo): Paminsan-minsan, kailangan mong lumayo sa iyong lupang sinilangan dahil maraming suwerte ang naghihintay sa iyo sa ibang lupain.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maghanap ng lisyang katwiran, ang bawal ay bawal. Ipinagbawal ito dahil hindi makabubuti at makakasama ito sa sinumang susuway. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-21-24-26.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mataas ang kakayahan mong gumawa ng mga ideyang papakinabangan sa negosyo. Kaya wala kang magiging katwiran para manatili sa hindi magandang kalagayan. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-9-10-14-30-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag kumilos ang kakumpitensya mo, kumilos ka rin. Huwag kang magpabaya nang hindi ka maiwan at mapahiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-16-28-29-30.
CANCER (June 21-July 22) - Kung mayroon ka, tumulong ka. Kung wala, ‘wag kang gumawa ng paraan para masiyahan at mapagbigyan ang ibang tao. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-20-22-26-32-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mo kung ano ang mayroon ka. Sa mundo, ang hawak mo ay ang iyong puhunan. Ang may puhunan ay mabilis na aasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-14-16-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong kakayahan sa pagkukuwenta. Tandaan, ang isa ay nagiging dalawa at ang dalawa ay nagiging tatlo. Sa ganitong paraan, lalago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-22-29-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paulit-ulit ang nangyayari sa buhay ng tao kapag inuulit din niya ang kanyang pagkakamali. Kahit mahirapan ang iyong damdamin, magbago ka ng estilo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-15-16-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mula sa mga kaibigan, nakakakuha ng lakas ang nanghihina. Hindi puwedeng ikaw lang ang makakaalam sa iyong pinagdaraanan sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-21-35-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Higpitan mo ang kapit sa iyong sarili. Magtiwala ka na ang mga katangian mo ang magdadala sa iyo sa lugar kung saan abot-kamay mo na ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-27-28-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nadudulas ang mabilis magsalita. Abangan mo ang gusto mong malaman mula sa isang walang tigil sa kakakuwento. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-29-33-34-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik ang umalis at ang umaayaw ay nagsisisi. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil hindi ka magkakamali. Hindi namamatay ang tunay na pagmamahal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-17-22-32-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itutok mo ang iyong paningin sa malayo. Gawin mo dahil sa malayo, lalago ang iyong kabuhayan. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-19-21-24-27-35-38.





Comments