top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Home care package, alok ng gobyerno sa mga may mild Covid

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | September 9, 2021



Nag-aalok ang gobyerno ng home care package para sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 upang mabawasan ang mga pasyente sa ospital dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng naturang sakit.


Nakakatanggap daw ngayon ng 480 hanggang 560 na tawag kada araw ang One Hospital Command Center kaya nahihirapan din silang makahanap ng mga ospital, ayon kay operations manager Dr. Bernadette Velasco.


"Mayroon naman po tayong mga ino-offer sa government, may mga home care package, doon po natin sila nire-refer kung kakayanin po talaga sa bahay lang po mag-stay ang pasyente," ani Velasco.


"Pero 'pag emergency cases po talaga, 'yon po talaga 'yong pina-prioritize natin na madala sa hospital. At least man lang ma-stabilize po para gumanda 'yong kondisyon ng pasyente," dagdag niya.


Nagdagdag na rin ng 80 katao ang One Hospital Command Center bilang dagdag-puwersa sa patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page