top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hiwalayan, nakatakda sa mag-asawang Cancer at Libra

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 24, 2024



Dear Maestro,


Ang problema ko ngayon ay tungkol sa aking pamilya. Mula nang mawalan ako ng trabaho, madalas na kaming magtalo ng misis ko. Kaya naman pumupunta-punta ako sa nanay ko para humingi ng tulong para sa panggatos at pangkain namin.


Pero pagdating ko sa bahay, wala na sila, nalaman ko lang sa mga kapitbahay namin na umalis na pala sila patungo sa probinsya ng misis ko sa Mindoro. 


Kaya naman naisipan kong sumangguni sa inyo para malaman kung may pag-asa pa kaya silang bumalik o dapat ko na silang sunduin sa Mindoro? 


Ang birthday ng misis ko ay October 1, 1988, habang July 10, 1985 naman ako.


Umaasa,

Simeon ng Bagbag, Novaliches, Quezon City



Dear Simeon,


Posibleng hindi na kayo magkabalikan ng misis mo, hindi dahil wala kang kuwentang asawa, bagkus hindi talaga kayo tugma at compatible sa isa't isa.


Ang mas malungkot pa rito, iniwan ka ng misis mo dahil wala ka ng trabaho, pero noong may hanapbuhay ka pa, mahal na mahal ka niya at maganda ang inyong samahan – pinapakain ka sa bahay at pinaghahanda ng pampaligo sa umaga bago pumasok sa trabaho.


Pero mula nang mawalan ka ng trabaho at hindi ka na nakapagbigay, sa loob lang ng isang buwan ay iniwan ka na niya.


Bueno, hindi talaga kayo compatible lalo na pagdating sa zodiac sign dahil ikaw ay isang Cancer habang Libra naman ang misis mo, na nagkataon pang pareho kayong “number one” kaya naman paniguradong hindi na talaga kayo magkakabalikan.


Kung susunduin mo siya, baka sumama siya sa iyo. Pero dahil nga nawalan ka ng trabaho, sa huli, mag-aaway lang kayo at iiwanan ka niyang muli.


Tandaan mo ang mga nangyayari sa inyong buhay, mag-isip ka kung paano mo mapapaligaya ang iyong sarili. Ang pagsasama ng mag-asawa ay depende sa pera at materyal na pangangailangan.


Alalahanin mo, kung ang kapitbahay n’yo ay nagdya-jollibee araw-araw habang ang mga anak mo ay noodles at tuyo lang ang kinakain na inutang pa sa tindahan. Kung ganyan talaga ang kalagayan ng isang pamilya, tiyak na hindi talaga sila magiging masaya.


Kahit pa mawalan ka ng trabaho, at sakto pang iniwan ka ng misis mo dahil hindi kayo magka-compatible sa Astrology at Numerology. Huwag kang malungkot at mawalan ng pag-asa, dahil ayon sa Love Calendar mo, sa taong 2025, sa edad mong 40 pataas, muli kang makakapag-asawa ng babaeng Scorpio na siya mong makakasama habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page