Hiwalay sa mister, muling maiinlab at pang-forever na
- BULGAR

- Jan 2, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 2, 2021

KATANUNGAN
Ako ay hiwalay sa asawa at ngayon, may nanliligaw sa akin na hiwalay din sa asawa. Natatakot akong sagutin siya dahil baka maulit ‘yung nangyari sa akin sa una kong pag-aasawam, na naging babaero at lasenggo ang napangasawa ko. Ang masakit pa nito, madalas din niya akong binubugbog, kaya talagang hindi na ako nakatiis at nakipaghiwalay na ako sa kanya.
Sa palagay n’yo, Maestro, sa ikalawang pag-aasawa, may pag-asa pa ba akong lumigaya o baka mas mabuting ‘wag na lang ako mag-asawa ulit? May dalawa naman akong anak at mabait sila.
KASAGUTAN
Kung pananaigin mo ang takot at palagi mong ilalagay sa iyong isip ang nakaraan, na baka mangyari ulit sa iyo ang naging mapait na karanasan sa una mong asawa, ang tanong ay paano ka liligaya at magkakaroon ng okey na pamilya gayung nauunahan ka nga ng takot at pangamba?
Bagama’t may dalawa ka ngang anak na nakakasama mo ngayon, paano kapag nagsipag-asawa sila at nagkaroon ng sariling pamilya? Minsan, talagang kapag nagkaroon tayo ng mapait na karanasan, nananatili ito sa ating memorya na sadyang napakahirap mabura. Palagi nating kinatatakutang muling maganap sa buhay natin ang mga karanasang ito, pero sa totoo lang, hindi naman ganu’n dahil kung marunong kang magbasa ng kapalaran, partikular sa guhit ng palad, makikita mo kung pangit o maganda ang ikalawang pag-aasawang papasukin ng isang tao.
Sa kaso mo, Marife, kapansin-pansing higit na malinaw at maganda ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung ikukmpara sa naunang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sigurado na ang magaanap, sinasabing ang ikalawang maganda, suwabe at tuwid na Marriage Line ( 2-M arrow b.) ang mananaig sa iyong kapalaran. Ibig sabihin, sa ikalawa o muling pag-aasawa, may pangako na ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na madali namag kinumpirma ng matapos pumangit ay gumanda rin naman ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c. at d.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na kung nabigo ka sa unang pagkakataon, sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon, magtatagumpay ka at habambuhay nang magiging maliligaya.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Marife, ang mas makapal at magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing sa ikalawang pag-aasawa na magaganap sa 2021 sa edad mong 42 pataas, hatid ng lalaking may zodiac sign na Taurus. Sa piling niya, mabubuo ang ikalawang pakikipagrelasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagsasama.




Comments