top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hirit ni PBBM, walang nakakakilala kay suspected Chinese Mayor Alice Guo, pero may picture na magkasama sila

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 18, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG ILLEGAL GAMBLING SA BAGUIO CITY HINDI NATIGIL BAKA GISAHIN NA NAMAN NI SEN. TULFO SINA GEN. PEREDO AT COL. BULYAWAN --

Nagbalik na naman daw ang operasyon ng mini-casino ni “Patrick” sa Legarda, at drop balls at color games ni “Nestor” sa Kayang, kapwa sa Baguio City.


Dapat ipa-tokhang na agad nina PNP-Cordillera Director, Brig. Gen. David Peredo at Baguio City Chief of Police, Col. Francisco Bulyawan sina “Patrick” at “Nestor” kasi kapag nalaman ni Sen. Raffy Tulfo na tuloy pa rin ang mga ganitong uri ng illegal gambling sa lungsod ay malamang, ipatawag na naman sila ng senador para gisahin sa Senado, period!


XXX


SUSPECTED CHINESE MAYOR ALICE GUO NG BAMBAN, TARLAC, MAY PICTURE KASAMA SI PBBM -- Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na suportado daw niya ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa pagkatao at citizenship ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, kung ito ba ay Chinese national o Filipino-Chinese dahil kahit daw sino ang tanungin niya sa bayang ito (Bamban) ay wala raw nakakakilala rito noon, at nagulat na lang daw ang mga taga-Bamban na bigla itong kumandidato sa pagka-alkalde.


Sa bibig mismo ni PBBM nanggaling ang salitang iyan na wala raw gaanong nakakakilala kay Mayor Guo, pero ang suspected Chinese national na ito ay may picture na kasama ang noo’y presidential candidate BBM (Bongbong Marcos), boom!


XXX


MAJORITY NG MGA CONG. LABAN-BAWI SA EJK SA ‘PINAS -- Naglaban-bawi ang Kongreso sa isyu ng extra-judicial killings (EJK) sa bansa.


Noon kasing panahon ng Duterte administration ay tutol ang majority congressmen na imbestigahan ang EJK, pero ngayon wala na sa poder si ex-P-Duterte, pabor na ang mga cong. na imbestigahan ang EJK sa ‘Pinas sa panahon ng Marcos admin, period!


XXX


MAS LALONG GAGANAHAN ANG NTF-ELCAC NA MANG-RED-TAGGED -- Sa kabila na idineklara na ng Supreme Court (SC) na banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng mamamayan ang “red-tagging” o pag-aakusa na komunista ang isang tao, ay sinabi ni PBBM na wala raw siyang planong buwagin ang mahilig mang-red-tagged na ahensyang NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict).


Dahil sa sinabing ‘yan ni PBBM ay asahan nang mas lalong gaganahan ang NTF-ELCAC na mang-red-tagged, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page