top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit ni P-Duterte na gamiting pang-disinfect sa face mask ang gasolina, “joke only”!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 24, 2020



SABLAY ANG JOKE NI P-DUTERTE NA GAMITING PANG-DISINFECT SA FACE MASK ANG GASOLINA—Magkasunod na nilinaw nina Usec. Maria Rosario Vergeire at Presidential Spokesman Harry Roque na “joke lang” ni P-Duterte ang sinabi nitong puwedeng pang-disinfect ng face mask ang gasolina dahil hindi raw tumatalab dito ang COVID-19.


Next time, ‘wag na sana siyang magbiro na may kaugnayan sa kalusugan kasi baka maraming DDS ang madisgrasya, alam n’yo naman ang mga tagasuporta ng Pangulo, kung ano ang sabihin niya, eh, ginagawa naman ng mga DDS, ha-ha-ha!

◘◘◘


JOKE LANG PALA NA NABIGYAN NG AYUDA ANG MGA MAHIHIRAP KASI 5.2-M PINOY ANG NAGUTOM SA PANAHON NG LOCKDOWN—Base sa resulta ng survey ng SWS ay higit 5.2 milyong Pinoy ang nakaranas ng gutom sa panahon ng lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.


Kung ganu’n, joke din lang pala ni Roque ang ibinibida nitong nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng maralitang Pinoy, boom!


◘◘◘


HINDI NA DAPAT PANIWALAAN NG PAMILYA LOPEZ ANG MGA SINASABI NI CAYETANO—Matapos batikusin ng publiko ang statement ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na dapat ibenta na lang ang ABS-CBN makaraang ibasura ng Kongreso ang prangkisa nito, sinabi ni Speaker Alan Cayetano na hindi raw puwedeng puwersahin ng sinuman ang pamilya Lopez na ibenta ang Kapamilya network dahil nasa demokrasyang bansa ang Pilipinas.


Naku, hindi dapat pagkatiwalaan ng pamilya Lopez ang statement na ‘yan ni Cayetano, kasi ganyan din ang sinabi ng Speaker noon na hindi siya papayag na kahit isang segundo ay mawala sa ere ang ABS-CBN, pero ano’ng nangyari? Sarado na ngayon ang Kapamilya network, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page