top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

HIRIT NI MARK: CALLING KO NA MAGING GOOD EXAMPLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 4, 2020




Inamin ni Mark Anthony Fernandez sa bagong panayam sa kanya na meron siyang pinagdaraanan sa kanyang pamilya.


"Medyo may kabigatan nang konti dahil ang nangyari, nasa Tarlac ako noon, lumipat ako ng Parañaque, hindi kami nagkasundo ng second wife ko kumbaga."


Hindi nagdetalye si Mark sa problema nila ng kanyang non-showbiz partner, pero nangyari raw ito nu'ng panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nagsimula noong March 16.


Sa ngayon, nakikitira si Mark sa bahay ng kaibigan sa Dau, Pampanga at todo-pasalamat siya na may tumulong sa kanya.


Natanong ang aktor kung ano ang naging karanasan niya sa ECQ na hindi niya makakalimutan?


Sagot ni Mark, "Umabot ako sa punto na kinailangan kong pilitin ang sarili ko na maghusga.


"Hindi kaya ng damdamin ko. 'Yun ang pinakamabigat para sa akin. Ayoko nang ikuwento.

Ano lang, sure survival siya or kailangan mong mag-decide, at para makapag-decide ka, kailangan mong maghusga.”


Hindi malinaw kung ano ang tinutukoy ni Mark dahil sa mga bitin niyang sagot.


Pero nu'ng tanungin ang aktor kung ano ang nami-miss niya ngayong may pandemya, aniya'y ang kanya pa ring pamilya ang nais niyang makapiling.


"Nami-miss ko 'yung pamilya ko na naghiwalay kami dahil seven years din kaming magkasama."


Sa edad ngayon na 41, ang hangarin daw ni Mark ay makasama lahat ng anak niya at makabawi sa kanila, kabilang na ang Kapamilya teen actor na si Grae Fernandez.


"Ang pangarap ko, kapag nagkaroon ako ng maraming pera, by God’s will, gusto ko na magkakasama kami para makabawi ako sa kanila."


Alam ng lahat na lumaki si Mark sa broken family pero itinanggi niyang nakaapekto ito sa kanyang pagkatao.


"Ang importante, ang Diyos ang nasa sentro ng pamilya."


Alam na ba niya ang misyon niya sa buhay?


"My calling? 'Yung ibang tao, ang calling nila, maging doktor, maging general, magkawanggawa.


"Ako, ang feeling ko, ang calling ko is maging artista na makakagawa ng maraming pelikula at magbigay ng magandang ehemplo."


Gusto raw niyang maging isang Richard Gomez, na ngayon ay aktibo rin sa pulitika bilang mayor ng Ormoc.


Naitanong din kay Mark ang nabanggit niyang kanyang kinatatakutan — ang kamatayan.


"Siyempre, alam ko, balang-araw, mamamatay din ako. Ikinatatakot ko rin 'yun. Ang gusto ko lang siguraduhin, kapag mamamatay ako, dapat nakahingi ka na ng kapatawaran sa Diyos,” pagtatapos ni Mark.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page