Hirap na mag-commute araw-araw?... Tips para mapadali ang iyong work from home
- BULGAR
- Jul 29, 2023
- 2 min read
ni Mabel G. Vieron @Life & Style | July 29, 2023

Sa panahon ngayon, mas pinipili ng mga tao at mga negosyante ang mag work from home. Less-hassle na ‘di ka pa mamomroblema sa pang-araw-araw na pagbiyahe. Kaya naman narito ang mga tips kung paano magiging epektibo ang ating work from home.
PAG-INVEST NG KAGAMITAN. Ang pinaka-importanteng kagamitan ay ang PC o laptop. Ito ang pangunahing magiging kasama mo sa pagtatrabaho. Kung ang iyong kumpanya naman ay nagpadala ng magagamit mo, eh ‘di mas oks, ‘di ba?
KOMPORTABLENG UPUAN AT MESA. Ilang oras ba ang gugugulin mo sa iyong trabaho? Sure akong 8 hours ‘yan, isipin mo ‘yun walong oras kang magtatrabaho kaya naman deserve mo rin ang komportableng upuan at mesa upang makapagtrabaho ka ng maayos.
TAMANG ORAS NANG PAGTATRABAHO. Kung walong oras ang dating ginugugol mo sa pagtatrabaho, ganundin dapat kung naka-WFH ka. Sa totoo lang, napakahirap gawing simple ang walong oras na pagtatrabaho dahil makikita mo na mas relax ka naman, at iwas trapik, ngunit ‘di rin maganda sa kalusugan ang nakababad sa trabaho. Sarili mo pa rin ang iyong unahin, oki?
GUMAWA NG TO-DO LIST. Kung meron kang to-do list na tinatawag, i-update mo ito araw-araw. Mas magkakaroon ka ng maayos na pagpaplano ng mga gawain mo sa buong araw. Dahil dito, mas magiging produktibo ka dahil tila isang checklist lang ito ng mga gagawin mo.
KUMAIN NG MASUSTANSYANG PAGKAIN. Sa totoo lang, mas may pagkakataon ka na para rito dahil puwedeng ikaw na mismo ang maghanda at magluto nito. ‘Di gaya ‘pag nasa opisina ka na puro fast food ang kinakain mo, ‘di ba?
Akala mo ba ay tapos na tayo, beshie? R’yan ka nagkakamali! Narito pa ang mga napakalaking advantage kapag tayo ay naka-WFH. Halina’t atin itong isa-isahin!
TIPID SA PAMASAHE. Dahil naka-WFH ka, hindi mo na kailangang bumiyahe at mag-budget para sa pamasahe. Siyempre, hindi mo na rin need gumising nang maaga para pakikipag-siksikan sa ibang pasahero.
TIPID SA DAMIT. Hindi ka na mai-stress kung ano ang iyong outfit of the day, sapagkat puwede kang magtrabaho kahit nakapambahay lamang.
MAS MABILIS MATATAPOS ANG TRABAHO. Puwede kang mag-advance upang maka-bonding mo rin ang iyong family. Maari ka ring gumawa ng gawaing-bahay at magpahinga matapos ang iyong trabaho.
Sa una ay mahirap talaga mag-adjust, beshie! Lalo na’t kung iisipin mo rin ang inyong internet at electric bill, ngunit exciting naman ito lalo na’t kung makakasanayan mo.








Comments