Hindi paliwanag ang kailangan sa krisis sa langis kundi sa solusyon
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | April 9, 2026

Pagod na ang mga Pilipino. Hindi na sapat ang “diskarte” sa harap ng non-stop na pagtaas ng presyo ng langis.
Kada linggo, may dagdag sa gasolina at diesel—at kasunod nito, mahal na bilihin. Ang epekto, lalong nababaon ang karaniwang mamamayan.
Hindi solusyon ang paulit-ulit na pagtitiis. Hindi puwedeng iasa na lang sa tao ang pag-adjust habang walang malinaw at konkretong hakbang ang gobyerno. Oo, may pandaigdigang dahilan ang pagtaas ng langis, pero responsibilidad ng pamahalaan na bawasan ang bigat nito sa publiko.
Kailangan ng agarang aksyon. Tunay na subsidiya sa transportasyon at agrikultura, malinaw na plano sa alternatibong enerhiya, at konkretong hakbang para kontrolin ang epekto ng taas-presyo sa mga bilihin. Hindi puro paliwanag—dapat may resulta.
Hindi habambuhay kayang magtiis ng Pilipino. Kung pagod na ang mamamayan, dapat mas kumilos ang gobyerno.


Comments