Hindi magugunaw ang mundo sa pagtaas ng halaga ng dolyar, maraming Pinoy lang ang magugutom
- BULGAR
- Oct 28, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 28, 2022
CONTENT NG MGA VLOGS SA 'PINAS, KUNG HINDI FAKE NEWS AT TSISMIS, BANGAYAN LANG NG MGA VLOGGERS—Karamihan ng ginagawang vlog sa ibang bansa ay tungkol sa science, teknolohiya, business, art, social experiment, discoveries, promosyon ng magagandang lugar, fashion, lifestyle at iba ang may sense na content.
Sana all! Nakadidismaya na kung gaano kaganda at may sense ang mga vlogs ng mga banyaga ay siya namang kawalang kuwenta sa Pilipinas na kung hindi fake news at tsismisan ay bangayan lang ng mga vloggers ang nilalaman ng mga vlogs.
Ang saklap na nagse-settle ang netizens sa mga ganitong content. Tsk!
◘◘◘
HINDI PA KATAPUSAN NG MUNDO KAPAG UMABOT SA P61 ANG DOLYAR, PERO TIYAK NA MARAMING PINOY ANG MAGUGUTOM—Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, hindi pa katapusan ng mundo kahit pumalo sa P61 ang halaga ng dolyar sa 'Pinas.
Korek! Hindi pa nga katapusan ng mundo, pero tiyak na dahil patuloy ang paghina ng halaga ng piso sa dolyar, magdudulot ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kaya't siguradong maraming Pinoy ang magugutom.
◘◘◘
PILOSOPONG BSP GOVERNOR—Si BSP Governor Medalla ay miyembro ng economic team ng Marcos administration.
At bilang miyembro ng economic team ng Marcos administration, ang dapat nitong gawin ay mag-isip ng mga paraan kung paano palalakasin ang halaga ng piso sa dolyar at hindi pamimilosopong sasabihan ang mamamayan na hindi pa katapusan ng mundo kahit maging P61 ang halaga ng dolyar sa ating bansa.





Comments