top of page
Search
  • BULGAR

Hinabol ng aso pero ‘di kinagat

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 16, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Bataan.


Dear Maestra,


Matagal ko nang gustong magpaanalisa ng aking panaginip, kaya lang, masyado akong busy sa aking maliit na negosyo.


Napanaginipan ko na hinabol ako ng aso. Inabutan ako nito, pero hindi ako kinagat, sa halip ay huminto siya at kakawag-kawag ang buntot. Nawala ang takot ko at kumalma ako, pero nalungkot ako nang todo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Laura


Sa iyo, Laura,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na hinabol ka ng aso, pero hindi ka naman kinagat, sa halip ay huminto ito at kumawag pa ang buntot. Nangangahulugan ito na susuwertehin ka sa pag-ibig, hanapbuhay at sa iba mo pang mga pangarap sa buhay. Matatapos na rin ang mga kalungkutan at kabiguan mo dahil makakaahon ka na sa kahirapan.


Samantala, ang ibig sabihin ng nalungkot ka nang todo ay kabaligtaran. Magiging masaya ka sa darating na mga araw dahil sunod-sunod ang mga pagpapala na para bang walang katapusan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page