Higit P54-M lotto jackpot, napanalunan na
- BULGAR

- Sep 30, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | September 30, 2021

Nabingwit na ng isang mananaya ang higit P54-M jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Miyerkules, Setyembre 29.
Instant mega-milyonaryo ang lucky winner na ito mula sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental dahil solo niya ang papremyo.
Sa Facebook post ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 14-11-03-07-10-30.
Mayroong itong kabuuang premyo na P54,993,929.60.





Comments