top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Health workers, mas lalong patatagin sa pandemya

  • BULGAR
  • Sep 7, 2021
  • 1 min read

@Editorial | September 07, 2021


Kasunod ng mga pagkilos-protesta, iniulat na ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na umabot na sa P14.3 bilyon ang naipalabas na pondo para sa benepisyo ng mga health workers.


Ang nasabing benepisyo ay para sa kanilang hazard pay at special risk allowance (SRA).

May pondo rin para sa meals, accommodation, transportation allowances at life insurance.

Ganundin ang para sa sickness and death compensation.


Nakalulungkot lang na kailangan pang magprotesta ng mga nars at doktor para maibigay ang mga ito.


Buhay ang kanilang iniaalay sa pagharap sa pandemya, wala itong katumbas na halaga.

Sa ibang bansa, napakataas ng tingin sa mga Pinoy health workers. Marami ang humahanga sa kanilang dedikasyon at hindi matumbasang pag-aalaga. Huwag nating hayaang hindi nila ito maramdaman sa sariling bayan.


Ngayon ang panahon mas dapat natin silang alagaan at suportahan upang maging mas matatag hindi lang para sa kapakanan ng kanilang pinaglilingkuran kundi higit para sa kanilang sarili at pamilya.


Mapagod man sila pero, hindi susuko. Maglalabas ng hinaing pero, hindi magpapabaya sa tungkulin. Sadyang taglay nila ang puso at isip ng isang bayani.


Pahalagahan natin ang kanilang ibinibigay na serbisyo, tulungan natin silang maging mas matatag at palaging makaramdam ng pag-asa na matatapos din ang pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page