Health protocols sa mga PUVs, bantayan
- BULGAR
- Nov 18, 2021
- 1 min read
@Editorial | November 18, 2021
Kasunod ng pag-apruba sa rekomendasyong ‘wag nang gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield, kapansin-pansin na talagang marami ang natuwa.
Kabilang na ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Kaugnay nito, naglabas naman ang Department of Transportation ng mga alituntunin sa pampublikong transportasyon:
Una, kailangan pa rin ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 5 at granular lockdowns.
Ikalawa, binibigyang pagpapasya ang mga lokal na pamahalaan at pribadong establisimyento na gawing mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 4.
Ikatlo, magiging boluntaryo naman ang paggamit ng face shield sa mga lugar sa Alert Levels 3, 2 at 1.
Sa kabila ng pag-aalis ng requirement sa pagsusuot ng face shield, ipinaalala pa rin sa publiko ang mahigpit na pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lahat ng public transport facilities.
Panawagan din sa mga awtoridad, palagi sana nating bantayan ang mga pampublikong sasakyan kung sila ba’y sumusunod sa mga protocols. Unang-una, ang wastong pagsusuot ng facemask at ang naaayon na bilang ng pasahero. Utang na loob, ‘wag nating pilitin ang punuan o may mga nakatayo o upo pa sa gitna ng sasakyan.
Hindi pa tayo tuluyang nakakalampas sa pandemya, narito pa rin ang COVID-19, ‘wag magpakampante at lalong ‘wag magpasaway, plis lang.



Comments