top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Health insurance sa mga drayber

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
1 min read

@Editorial | December 12, 2021



Nakapanlulumo ang nakaraang insidente na ikinasawi ng isang tricycle driver at kanyang pasahero matapos salpukin ng SUV.


Sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), limang tricycle driver ang nagiging biktima ng aksidente sa loob ng isang araw.


Kaugnay nito, isinusulong ang pagbibigay ng malawakang proteksiyon sa hanay ng mga trike driver at operator.


Inihihirit na matugunan ang usapin sa health insurance. Napag-alamang may mga drayber na wala nito kaya walang mahugutan ng tulong sa oras ng pangangailangan.


Kasabay nito ang pagkakaroon ng kanilang kinatawan sa Kongreso na magtataguyod at mangangalaga sa kanilang mga karapatan tulad nang sa health at accident insurance at pagpapalawig sa iba’t ibang programa at proyekto para sa kanilang hanapbuhay at pamilya.


Batid natin ang kanilang hirap sa araw-araw na pamamasada sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin, todo-kayod pa rin sila para lang may pantustos sa pamilya.


Kabilang din sila sa mga matatawag na frontliners sa gitna ng pandemya. Noong mga panahon na bawal lumabas, marami sa kanila ang nagsilbing volunteer sa pamimili hanggang sa paghahatid sa mga health workers at pasyente.


Hinaharap nila ang banta o panganib na malantad sa sakit.


Kaya marapat lang na mabigyan sila ng pansin at boses para mailahad ang kanilang mga saloobin at pangangailangan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page