Health and safety protocols vs. COVID, palaging ipatupad at sundin
@Editorial | December 27, 2021
Grabe ang dagsa ng tao sa mga pasyalan at mall.
Bata, matanda, sabik na makapamasyal at makapamili.
May mga pagkakataong nakakalimutan na ang mga panuntunan laban sa COVID-19.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na sila ay mas handa ngayon sakaling magkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng COVID sa bansa, lalo na't may tatlong kaso na ng Omicron variant na naitala ang Department of Health (DOH).
Ayon sa pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 (ASCOTF) nakalatag na ang kanilang ipatutupad na mga health and safety protocols sakaling sumirit muli ang kaso ng COVID.
Kaya todo paalala ang PNP sa kanilang mga tauhan at publiko na 'wag magpakampante at istriktong sumunod pa rin sa minimum public health standard nang hindi na tayo bumalik sa pinakamataas na alert level status ng quarantine classification.
Napakarami nang nasakripisyo sa pandemyang ito, huwag sana nating hayaang masayang.
Pagtuunan natin ng pansin ang mas ligtas at masayang bagong taon.
Iwan na natin ang hindi magagandang naidulot ng virus. Bagama't hindi dapat kalimutan ang mga kabayanihang naganap at mga aral na naituro ng pandemyang ito.
Muli, huwag pasaway, ingatan ang sarili at ang pamilya.



Comments