Hanggang saan malalaman kung nakasandal na sa’yo ang pamilya at kaibigan
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 22, 2020

Naiintindihan natin na panahon ngayon ng krisis. Halos lahat nahihirapan dahil sa pananalasa ng COVID-19. Pero, masyado nang umaasa o dumedepende sa’yo ang mga pamilya sa lahat na lamang ng bagay, maging ang mga kaibigan. Mula sa gawaing-bahay hanggang sa pakikipagsapalaran sa lahat ng larangan ay ikaw na rin ang umaatupag nito at kanilang inaasahan.
Subalit alam mo bang ‘ikinakahon’ ka na nila sa iyong pagsunod sa kanila kung kaya naman maging ikaw ay nakalilimutan mo na kahit ang sarili mong pangangailangan. At hindi mo pa ba batid ito?
“Maraming tao ang tuluyan nang napasasailalim sa kautusan ng kanilang pamilya o maging ng pangangailangan ng iba,” ayon sa isang psychologist Tim Captune. Kaya kung natutuklasan mo na ang iyong sarili na para ka nang naaalipin ng marami, nakaka-stress na ang mga bagay na sa’yo ‘yan.
Alamin kung ano ang mga bagay na ginagawa mong ‘paglilingkod’ sa iba na kinakailangan na ng pahinga sa pamamagitan ng pagkumpleto ng maigsing quiz na ito. Ang pag-aanalisa ng iyong sagot ang siyang kasunod nito.
1. KUNG wala kang planong gawin sa gabi, ikaw ba’y: a. May iba namang gagawin sa bahay. b. nanonood ng pelikula sa video. c. titingin ng mga resipe sa youtube o socmed at susubukan itong lutuin.
2. KUNG may kailangan ang isang kaibigan, ikaw ba’y: a. sobrang supportive. b. magmumungkahi na lulutuan mo siya at sasabayan sa lunch upang makalimutan niya ang kanyang problema. c. pakikinggan siya at makikisimpatiya sa kanyang hinanakit. d. magbibigay ng mga ideya upang masolusyunan ang bagay na bumabagabag sa kanya.
3. ANG iyong paboritong mapag-usapan ay: a. Kung ano ang nangyayari sa inyong trabaho? B. Isang spiritual at supernatural subject. C. ang mga achievement ng anak. D. ang current events.
4. KUNG naliligaw ka sa iyong biyahe, ikaw ba’y: a. babalik sa lugar na siyang pamilyar puntahan upang maalala ang talagang pupuntahan. B. magtatanong ng direksiyon sa ibang tao. C. hihinto at tatawag sa kaibigan upang hingin ang kanyang tulong. D. dire-diretso lang habang umaasa ka sa mapa o waze.
5. PAGDATING sa mga gulo sa trabaho, ikaw ba’y: a. nakatungo lamang. B. magmumungkahi ng maaring bagay na mapagkakasunduan sa pagitan ng nagkakagalit na tao. C. manatili sa opinyon ng mga kaibigan. D. susulat ng detalyadong plano kung paano malutas ang problema.
PAG-AANALISA: Halos A. Ikaw ang matatag na moog na masyadong inaasahan ng iyong mga kaibigan at pamilya, kung kaya naman nakakapagod din iyan. Sikaping ihati ang ilang trabaho sa iba upang makapag-concentrate ka naman sa iyong sariling kailangan.
HALOS B: Ikaw ay masimpatiyang tao na madalas na sumasalo ng problema ng iba. Pinakamabuting bigyang atensiyon ang panahon sa isang kapaki-pakinabang na libangan upang umibayo ang iyong pagkamalikhain.
HALOS C: ikaw ang makina ng iyong pamilya dahil sa iyong walang kapaguran sa lahat ng oras at nasa akma ang iyong trabaho, subalit nakalilimutan mo pa rin at hindi mo alintana ang sarili mong kapakanan. Iwan ang ilang gawain sa kanila nang mas madalas at bigyan ng oras ang sarili.
HALOS D: ikaw ay abala sa paglutas ng problema ng iba na wala kang oras upang ayusin naman ang sarili mong suliranin. Sa halip na mag-isa itong gawin, humingi ng tulong ng iba kung kinakailangan.








Comments