top of page

Hamon sa bagong DOTr Chief, resolbahin malalang trapik

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23
  • 1 min read

by Info @Editorial | Feb. 23, 2025



Editorial

Kasabay ng pagkakatalaga kay Vince Dizon bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr), inaasahang magkakaroon ng mga bagong hakbang tungo sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon sa bansa. 


Bagama’t ang kanyang pamumuno ay tiyak na mapapalaban sa matitinding hamon, lalo na sa Metro Manila, kung saan ang problema ng matinding trapik ay patuloy na nagpapahirap sa publiko.


Sa kasalukuyan, ang kalagayan ng trapiko sa Metro Manila ay isang malalang isyu na tila walang katapusan. 


Araw-araw, ang mga pangunahing lansangan ay puno ng sasakyan, ang mga kalsadang maluwag ay mabilis na napupuno, at ang oras ng biyahe mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar ay hindi na tumpak. 


Sa pag-upo ng bagong pinuno sa DOTr, umaasa tayo na hindi man tuluyang maresolba ang mga problema sa trapiko, ay kahit paano’y mabawasan.


Masasabing ang tunay na hamon sa bagong kalihim ay ang pagpapakita ng matibay na liderato sa mga problema, pati na rin ang kahandaan na magpatupad ng mga reporma.


Hindi sapat ang pagpapalawak ng mga kalsada at pagpaparami ng mga pampasaherong sasakyan kung hindi maayos ang sistema ng pamamahala ng trapiko at gayundin ang pagbabago sa mga kaugalian ng mga motorista at komyuter. 


Kailangang magkaroon ng epektibong pamamahala, proyekto at maging disiplinado ang mga tao para malabanan ang matinding trapik at nang umusad nang maayos ang bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page