Hamon ni Sen. Koko kay P-BBM.. Kaibigan, kakilala na smuggler, sampolan
- BULGAR

- Jul 30, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 30, 2023

Hinamon ni Senate Minority Leader Aquilino 'Koko' Pimentel III si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magpakita ng kaseryosohan sa idineklarang paglaban sa mga agricultural smugglers.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag makaraang ideklara ng Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang mga araw ng mga agricultural smugglers sa bansa.
Ito ay kasabay din ng deklarasyon aniya ng Pangulo na hahabulin ng kanyang administrasyon ang mga smuggler.
Ngunit para kay Pimentel, ang pinakamahusay na paraan upang patunayan ang kaseryosohan ng Pangulo sa pagsugpo sa agricultural smuggling ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
“Should there be friends and acquaintances involved in smuggling of any kind then the President can also start with them as his best example of the seriousness of his crackdown,” sabi ni Pimentel sa isang panayam.
Maipapakita rin aniya ito kung ang Pangulo ay magsisimula sa kanyang sariling pinamamahalaang ahensya, ang Department of Agriculture, at ang Bureau of Customs na patuloy na binabatikos ng mga alegasyon ng lahat ng uri ng iregularidad.
"Actions speak louder than words. Consistency of action proves sincerity. If the President is serious in his fight against agricultural smuggling, then the best place to start would be the Dept. of Agri, from those who release the permits and other documents, and the Bureau of Customs, from those who clear the release of unlawful or questionable imports," paliwanag ng senador.
"Bilang na daw ang mga araw ng smugglers. Ang importante na lang malaman ay kailan tayo mag-uumpisa magbilang," dagdag pa ni Pimentel.








Comments