Halos 60K aplikasyon para sa P5K ayuda, naitala ng DOLE
- BULGAR

- Feb 1, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | February 1, 2022

Umabot na sa 58,695 ang bilang ng aplikasyong naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa P5,000 one-time ayuda para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na alert level ng pamahalaan.
Ito ay batay sa tala ng DOLE nitong Enero 31, 2022 para sa COVID Adjustment Measures Program (CAMP).
Ayon sa DOLE, lumagpas ito sa kanilang tala ng bilang ng natigil o nawalan ng trabaho mula Enero 1 hanggang 15.
Sa guidelines kasi ng DOLE, tanging mga tinamaan lang ng retrenchment, permanent o temporary closure ng mga establisimyento sa ilalim ng Alert Level 3 ngayong 2022 ang pasok sa CAMP.
Ibig sabihin lamang nito ay hindi kasama ang mga nawalan ng trabaho noong nakaraang taon.
Sa ngayon ay nasa 20,000 na ang inaprubahan ng DOLE habang 19,000 naman ang dumadaan pa sa evaluation stage.
May halos 5,000 ding nagpasa ng maling dokumento pero maaaring makipag-ugnayan sa DOLE para ayusin ito.
Target maumpisahan ng DOLE ang payout ngayong linggo kung saan direkta itong matatanggap ng manggagawa na maaring idaan sa money remittance centers o bangko.








Comments