top of page

Halamang nasa loob ng bahay pero mabilis lumaki...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2020
  • 2 min read

sign na dapat nang harapin ang mga hamon ng kapalaran

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 6, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Edna Jambalos na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Napanaginipan ng anak ko na mabilis lumaki at kumapal ang dahon ng halaman sa loob ng bahay nang maarawan. Kitang-kita raw niya kaya tinawag niya ako para kunan ‘yun ng picture.


Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Edna Jambalos


Sa iyo Edna Jambalos,


Sa haba ng lockdown dahil sa COVID-19, ang mga tao nasanay na nasa bahay. Kaya kahit puwede nang lumabas, marami ang hindi maglalabasan dahil kung wala ka namang gagawing mahalaga sa labas, sa loob ka na lang.


Ito ay hindi dahil takot pa rin sila sa COVID-19, kumbaga, may takot pa rin pero ang tunay na hindi nakikitang dahilan ay kapag nasanay ang tao, hindi agad siya makakabalik sa dating buhay.


Saka ang nakakagulat, ang kababaihan at kalalakihan ay nagsiputi na hindi na kailangan pa ang mga whitening lotion. Ang nakakamangha pa, ang kanilang kaputian ay original o natural dahil hindi sila nagsiputi dahil sa chemical na sangkap ng mga whitening product. Bukod sa pagiging maputi, sila rin ay nagsikinis.


Pero sabi ng gobyerno, kailangan nang maghanapbuhay ng mga tao. Kumbaga, dapat na ang ilagay sa isipan at tutukan ay kung paano ang pagpapaganda ng kinabukasan.


Tulad ng halaman, gumaganda ito dahil sa sikat ng araw. Mabilis ang paglago hanggang sa tuluyan nang mamulaklak at magkaroon ng sangkatutak at matatamis na bunga.


Kaya makikitang ipinaaalala ng panaginip ng iyong anak na siya ay kailangan na ring makipagsapalaran at harapin ang mga hamon ng kanyang kapalaran. Sa ganitong paraan, bibilis ang paglago hindi lang ng kanyang pagkatao kundi ng kanyang kabuhayan o kayamanan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page