top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Halalan 2022, ‘wag hayaang matinag sa COVID

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2021
1 min read

@Editorial | December 14, 2021



Isang petisyon ang sinasabing inihain para sa pagpapaliban ng halalan sa 2022 hanggang 2025 dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.


Bilang reaksiyon, iginiit ng Comelec na maituturing itong paglabag sa batas.


Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maaari lamang suspendihin ng poll body ang halalan sa maiksing panahon at kung sa mga kondisyon lang na hindi existing ang free at fair elections.


Sa ngayon, hindi naman aniya existing ang mga criteria na ito kaya masasabing walang justification para payagan ang napabalitang petisyon.


Bagama’t, nasa Comelec En Banc na rin aniya ang kapangyarihan para desisyunan ang usaping ito.


Maituturing umanong “problematic” ang petisyon na ito dahil malinaw na malinaw sa Saligang-Batas ang pagdaraos ng halalan at wala rin namang holdover provision na nakapaloob dito.


Marami rin sa publiko ang pumalag sa nasabing petisyon na anila’y tila ginagamit pa ang pandemya para sa hindi malamang dahilan.


Kapansin-pansin nga naman na tila nakakasabay na tayo sa banta ng COVID. Marami nang establisimyentong nagbukas at naglabasan na rin ang mga tao na may basbas naman ng gobyerno. Natututo na ang bawat isa sa pag-iingat kontra-sakit at bumaba na rin ang kaso ng hawahan.


Kung nagagawa na nating mag-adjust at mamuhay nang maayos-ayos sa ngayon, ano’ng dahilan para hindi natin maitawid ang halalan na ilang buwan na lang ang hinihintay?


Hangga’t ginagawa ng bawat isa ang trabaho para sa eleksiyon, walang dahilan para hindi ito matuloy.


Ang pagtatalaga ng mga lider ay nangangahulugan din ng pag-usad. Bago o lumang mukha, ang mahalaga ay ‘yung may kakayahan, mapagkakatiwalaan at talagang maglilingkod sa bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page