Hala, na-lockdown sa bahay dahil sa ECQ… Paano sasabihin kay boss na buntis ka?
- BULGAR

- Aug 21, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 21, 2020

Nagsimula kasi ang stay-home noong magsimulang manalasa ang pandemya. Na-lockdown ang marami lalo na ang mag-asawa. Tigil trabaho kayo na mag-asawa kaya napirmi sa bahay ng ilang buwan. Ngayong balik na sa GCQ at trabaho, paano ngayon yan? Paano mo sasabihin sa iyong boss na ika’y buntis ngayon at maselan ang iyong kondisyon?
Kinakabahan ka, pero excited, pero alinlangan ka. Paano mo gagawin ang pag-aanunsiyo sa iyong bossing ang inililihim ngayon. Kung paano ito sasabihin ay depende ito sa kaugnayan ng pinagtatrabahuhan mo.
1.TAKOT AKO NA BAKA HINDI MAGUSTUHAN NG BOSS KO ANG IBABALITA KO. Kung minsan kasi, ang amo ay hindi natutuwa hinggil sa pagbubuntis ng kanilang empleyado. Kung ito ang inaalala mong magiging reaksiyon ng iyong boss, gawin mo na itong maingat. Maghintay ka ng sapat na pagkakataon na masabi mo ito nang hindi magkakaaberya. Sa madaling salita, maghintay ka muna nang hanggang 14 to 20 weeks ng iyong pagbubuntis. Sa puntong ito na baka makunan ka sa kanyang isasagot ay hindi na mangyayari, at least makikita rin niya na kahit buntis ka ng mga nakaraang linggo ay nagagawa mo pa rin ang iyong trabaho.
Itapat mo rin sa maayos na oras ang iyong pag-aanunsiyo. Halimbawang nakakumpleto ka na ng isang napakahalaga at napakalaking proyekto para sa kanya. Upang maihatid sa kanya ang malakas na mensahe na, “Tingnan n’yo nga boss, kahit na nasa kaselanan ang pagbubuntis ko ay hindi apektado ang aking produktibidad, mabilis at masipag pa rin akong magtrabaho.”
Gayunman, ang ibang babae ay naghihintay na magsabi sa kanilang boss pagkatapos niyang sumuweldo at matapos ang pagrerebisa ng mga performance. Ang malungkot na katotohanan lamang ang naturang balita kung maaapektuhan ba ang iyong antas-kabilang ang iba pang kahalagahan dito, nag-aalala kasi sila na baka hindi ka na bumalik.
2. AT KUNG INIISIP KO NA MAPAGSUPORTA ANG AMO KO? At kung dama mo na ang iyong pagbubuntis ay dapat na tanggapin, dapat na ipaalam mo nang mas maaga sa iyong supervisor o sa isang tauhan ng human resources. Ito’y upang magkaroon ka ng adjustment sa mga serbisyo na makatutulong sa iyong pagbubuntis at hindi ka maging tensiyunado. Ang ilang health services ay inaalok sa mga amo para sa maagang estado ng pagbubuntis ng empleyado.
3. MAYROON BANG IBANG PARAAN PARA MAHULAAN KO ANG MAGIGING REAKSIYON NG BOSS KO? Bago mo pa man sabihin sa iyong amo, natural na ibubulong mo na ito sa iba mo pang mga kasamahan na babae na dumanas nang manganak. Tiyakin mo lang na isang taong mapagkakatiwalaan ang siya mong mapagsasabihan ng iyong kumpiyansa. Maaring kontakin ang taga-human resources na siyang magpapaalam sa iyo ng anumang alituntunin o policy ng amo sa mga nagbubuntis at mga nagma-maternity leave. Ang kinatawan ng HR ang siyang magbibigay sa’yo ng impormasyon at magandang payo, na maaaring marami na rin naman silang pinayuhang kababaihan hinggil sa naturang sitwasyon, at maaaring hindi na sila personal na apektado ng iyong napipintong paga-absent.
4. ANO BA ANG PINAKAMAGANDANG PARAAN PARA MASABI KO NA NGA ANG KALAGAYANG ITO SA AKING BOSS? Planuhin pareho kung kailan at kung ano ang iyong sasabihin, tapos ay i-schedule ang appointment na makausap ang supervisor. Sa araw na iyon kailangan mong maging sensitibo sa nangyayari sa opisina at sa mood ng iyong boss o bisor. Kung ang timing ay hindi tama, ipa-reschedule ang pakikipag-usap.
Sa anumang propesyonal na diskusyon, sikapin na imadyinin ang niloloob at mga katanungan ng iyong amo. At patatagin mo ang iyong sarili. Hindi lahat ng bisor ay okey lang at may katanggap-tanggap at magandang responde. Maraming ina ang nadidismaya sa sagot ng boss na, “Oh no, hindi ba’t bawal na bawal sa kumpanyang ito ang mabuntis!”
Ang magandang sagot na inaasahan ay “Congratulations” na may kaakibat na himig malasakit hinggil sa produktibidad mo. Sabihin mo kung kailan ka manganganak at maging ang iyong pisikal na kondisyon, subalit pigilan ang sarili na masabi ang maternity leave, gayundin ang plano kung kailan babalik sa trabaho matapos makapanganak, gayundin ang child care problems. Maghintay hanggang sa makapagprisinta ka ng reyalistikong proposal hinggil sa leave at maging ang iyong post-pregnancy work schedule. Ito’y upang mabigyan ang iyong supervisor ng oras na matanggap ang balita at magbigay daan sa iba pang pag-uusap at negosasyon.








Comments