Habang naglilinis ng swimming pool… ROBIN, MUNTIK NANG MAMATAY SA PAGKAKURYENTE
- BULGAR

- Aug 4, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 3, 2020

Sobra ang pasasalamat ni Robin Padilla na nakaligtas siya sa pagkakuryente. Nangyari ang muntik na disgrasya kay Robin nang maglinis ng kanilang swimming pool. Habang inaayos ang pool dahil nasira ang main water pump at filter, nakita niyang may open wire sa kawad ng ginamit niyang submersible water pump.
Laking-pasasalamat ni Robin na nakita niya ang water pump bago pa niya isaksak sa kuryente habang siya ay nakalubog sa swimming pool. Imadyinin n’yo kung ano ang nangyari kung nai-plug agad 'yun ni Robin.
“Ngayong umaga na ito, naiba lahat ang ganap, pag-check ko ng wire, hiwa ito at nakasilip na ang negative, positive at ground wire. Allah hu akbar, kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at mai-plug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig... 'Yun!!! The end sigurado ako, goodbye Philippines!” kuwento ni Robin.
Ayon pa kay Robin, bigla siyang nanghina nang maisip ang posibleng mangyari sa kanya kung hindi niya agad nakita ‘yun.
“Alhamdulillah it is a blessed day for me. Allah hu akbar, nakakapanghina pala ang mga ganitong ganap, ma shaa Allah, mapapaisip ka rin at matitigilan. Paano na kaya kung hindi ako nag-check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah!”





Comments