top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Guy na ‘di gaanong bet, dapat dyowain para sure na sumaya ang love life

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 06, 2022



Dear Maestro,


Matagal ko nang gustong kumonsulta sa inyo dahil nagtataka ako sa mga pakikipagrelasyong napasukan ko. Palagi na lang kasi akong hindi sineseryoso ng mga naging boyfriend ko, samantalang tapat naman ako sa kanila. Bakit ganu’n, kung sino pa ‘yung nagmamahal ay siya pa ang palaging nasasaktan?


Minsan tuloy, parang ayaw ko nang umibig pa sa mga lalaki, lalo na sa kaedad ko dahil parang naglalaro lang sila at hindi seryoso sa damdamin ng iba. Hindi naman ako Taong Tres, pero bakit palagi akong bigo sa pag-ibig? Gayundin, naiisip kong mag-concentrate na lang sa career at ‘wag nang isipin pa ang pakikipagrelasyon, pero natatakot naman akong tumandang dalaga.


Ano ang dapat kong gawin para makatagpo na ako ng tapat at seryosong lalaki na mamahalin ako habambuhay? July13, 1996 ang birthday ko.


Umaasa,

Cathy ng San Diego, Lian, Batangas

Dear Cathy,


Bagama’t hindi ka Taong Tres (silang mga isinilang sa petsang 3, 12, 21, at 30, na kadalasang bigo sa unang pag-ibig), ang numero mo na 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) ang dahilan kaya nagkakandabigu-bigo ka sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Sa totoo lang, ang ginagawa mo kasi ay umiibig ka nang tapat sa lalaking gustong-gusto mo, pero hindi mo napapansing hindi ka naman nila gustong-gusto.


Para ring ‘yung nangyayari sa tipikal na tanong tungkol sa pag-ibig, “Sino ba ang masarap mahalin, ‘yung lalaking mahal na mahal mo, pero hindi ka masyadong mahal o ang lalaking mahal na mahal ka, pero hindi mo masyadong mahal?”


Sa kaso mo, mahal na mahal mo ang lalaki kahit hindi ka niya masyadong mahal. Dahil dito, napagbibintangan mo silang lahat na hindi seryoso sa iyo at pawang manloloko.


Kaya upang lumigaya ka pagdating sa aspetong pag-ibig, napakasimple lang ng solusyon. Bukod sa paghahanap ng mga lalaking ka-compatible mo, minsan, ang dapat mo namang gawin ay mahalin ang lalaking mahal na mahal ka pero hindi mo gaanong gusto.


Sa ganyang paraan, bukod sa ka-compatible mo siya ay mahal na mahal ka pa niya. At kahit hindi mo siya masyadong gusto, tiyak na sa susunod na pakikipagrelasyon, makakasumpong ka ng tapat na lalaking habambuhay kang mamahalin.


Ayon sa zodiac sign mong Cancer, ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac sign na Scorpio, Pisces, Capricorn at kapwa mo Cancer, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15 at 24. Sa piling ng nasabing mga lalaki, tulad ng nasabi na, sila ang seseryoso sa iyo upang madama mo ang wagas at panghabambuhay nang pag-ibig.


Nakatakdang mangyari na makakasumpong ka na rin ng lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran, na habambuhay ka nang mamahalin at pakikisamahan sa taong 2023, sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre at sa edad mong 27 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page