top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gustong maka-sure kung sino sa 2 BF ang ka-compatible

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 12, 2022



Dear Maestro,


Dalawa ang boyfriend ko ngayon. ‘Yung isa ay isinilang noong December 1, 1993 at ang isa naman ay isinilang noong October 16, 1994, habang February 11, 1995 naman ang birthday ko.


Gusto kong malaman kung sino ang mas ka-compatible ko sa kanilang dalawa?


Ngayon, iniisip kong maging stick to one dahil masakit din pala sa ulo kapag dalawa ang boyfriend.


Umaasa,

Kate ng Bagong Silang, Los Baños, Laguna

Dear Kate,


Ayon sa zodiac sign mong Aquarius, higit mong ka-compatible ang boyfriend mong Libra kung ikukumpara sa isang Sagittarius. Sapagkat ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin. Ibig sabihin, sa Western Astrology, tunay ngang “same feather flocks together”, kaya sa piling niya, mas tiyak ang isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama.


Sa aspetong Numerology naman, bagama’t kailangan ng weak number mong 11 o 2 (ang 11 ay 1+1=2) ang isang strong number na 1, subalit katugma rin ng weak number mong 2 ang isa pang weak number na 16 ot 7 (ang 16 ay1 +6=7) ng boyfriend mo. Sa statistical basis, madalas na nagkakatuluyan ang numerong 2, 11, 20 at 29 at silang may mga birth date na 7, 16 o 25.


Ibig sabihin, mas lamang si Mr. Libra kaysa kay Mr. Sagittarius, kung compatibility ang pag-uusapan dahil si Mr. Libra ay pareho mong ka-compatible sa Numero-Astrology na pag-aanalisa.


Kaya kung mamimili ka sa kanila ng pananatiliin bilang isa na lang ang magiging boyfriend mo, inirerekomendang piliin mo si Mr. Libra. Sa ganu’ng paraan, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page