top of page

Gustong mag-abroad, ‘di dapat magsolo dahil weak number

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 24, 2022



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni dahil may ilan akong katanungan hinggil sa aking future.


Ako ay isinilang noong July 16, 2002, ako ba ay makakatapos ng pag-aaral at makakapag-abroad?


Kung ibabase ko kasi sa mga natutunan ko sa inyo, ako ay makakapag-abroad dahil ang mga numero ko ay kadalasang nakakapangibang-bansa.


Sana ay matulungan n’yo ako. Maraming salamat.


Umaasa,

Josh ng Talaba, Bacoor, Cavite


Dear Josh,


Ang birth date mong 16 ay napabibilang sa mga weak number dahil ang 16 ay 1+6=7.


Gayunman, paano ba nagtatagumpay at nagiging maligaya sa buhay ang mga taong may weak number?


Simple lang, sa buong kasaysayan ng kanilang buhay, tinutulungan sila ng mga strong number upang mapitas ang kanilang mga pangarap at ambisyon. Kumbaga, hindi mabubuhay,


magtatagumpay at magiging maligaya ang mga taong may weak number kung walang tulong na manggagaling sa mga may strong number.


Sa kaso mo, Josh, siguradong darating ang panahon sa iyong buhay na tutulungan ka nilang may mga birth date na 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 8, 17 at 26, higit lalo kung sila ay isinilang sa zodiac sign na Pisces, Scorpio, Capricorn at kapwa mo Cancer.


Kung naghahangad kang makapag-abroad, ‘wag kang maglalakas-loob na mag-isang mag-apply nang walang tumutulong o umaalalay sa iyo. Sa ibang salita, kung wala kang sponsor o taong tumutulak sa iyo dahil hindi ka papalarin sa nasabing pangingibang-bansa.


Ang indikasyon na papalarin ka sa pag-a-abroad, tulad ng naipaliwanag na, kailangang may isang taong may birth date na strong number ang nagyaya, nag-finance o sumuporta sa iyo sa binabalak mong pangingibang-bansa. Kapag ganu’n ang nangyari, malamang na ikaw ay magtatagumpay sa pag-a-abroad.


Ito ang susi at paulit-ulit na magiging susi sa buhay ng mga taong may weak number — tulong mula sa taong may strong number. Sa ganu’ng paraan sila nagtatagumpay at habambuhay na liligaya.


Kaya sa sandaling may taong may weak number na ma-ego o mayabang at sasabihing, “Ayaw kong umaasa sa iba, gusto ko ay independent kong mapitas ang tagumpay,” siguradong siya ay mabibigo lang sa buhay.


Muli nating lilinawin at uulitin, “tulong ng ibang tao” ang susi ng tagumpay at kaligayahan para sa mga taong may weak number, tulad nilang may mga birth date na 7, 16 25, 2, 11, 20 at 29.


Sa kaso mo, Josh, ayon sa iyong Travel Calendar, sa taong 2025 at sa edad mong 23 pataas, may pangako ng mabiyaya at mabungang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran dahil na rin sa tulong na matatanggap mo mula sa isang taong nagtataglay ng strong number.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page