top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gusto nang makipag-break sa 2 yrs. bf dahil feeling inlab sa best friend

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 26, 2022



Dear Maestro,


Ang aking ikokonsulta ay tungkol sa love life. Isinilang ako noong May 5, 1997 at may boyfriend ako na isinilang noong February 12, 1994. Halos dalawang taon na ang relasyon namin, pero hindi na ako masaya sa kanya. Nagkaroon kasi ako ng kaibigang isinilang noong August 31, 1996, wala siyang girlfriend pero hindi naman niya ako nililigawan. Basta parang mag-bestfriend lang ang turingan namin.


Gusto ko nang makipag-break sa boyfriend ko dahil iniisip ko na baka kaya hindi niya ako nililigawan ay dahil alam niyang may boyfriend ako.


Maestro, tama ba ang pakiramdam ko na sa sandaling nakipag-break ako sa boyfriend ko, tuluyan na akong liligawan at magiging kami na ng bestfriend kong ito? Medyo nalilito ako ngayon, kaya naisipan kong magtanong sa inyo. Nais ko ring malaman kung kanino sa dalawang lalaking ito ako higit na magiging maligaya sa panahong ako ay nagkaasawa o nagkapamilya na?


Umaasa,

Maylyn ng Balasing, Sta. Maria, Bulacan

Dear Maylyn,


Walang duda, higit mong ka-compatible si Mr. Virgo na isinilang noong August 31, 1994 kung ikukumpara sa boyfriend mong si Mr. Aquarius na isinilang noong February 12, 1994. Ang problema lamang, paano ka makikipag-break sa tao na wala namang nagawang kasalanan o pagkukulang sa iyo?


Kapag kasi nakipag-break ka agad sa kanya, lalabas na masyado kang unfair o walang konsiderasyon. Kaya lang, paano naman ang feelings mo kung sakaling wala ka nang nararamdaman sa kanya? Kung titiisiin mo naman siyang maging boyfriend gayung hindi mo na siya mahal, magiging unfair ka naman sa iyong sarili o parang niloloko mo naman ang sarili mo. Ibig sabihin, sadyang nasa magulo kang sitwasyon ngayon, partikular sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.


Subalit kung kapalaran ang huhusga, kahit magkatuluyan kayo ni Mr. Aquarius, unang-una, tama ka na hindi ka sa kanya magiging maligaya. Ang ikalawang mas masaklap pa rito, hindi rin liligaya sa piling mo si Mr. Aquarius dahil tulad ng naipaliwanag na, hindi tugma ang Aquarius at Taurus upang magsama at maging maligaya.


Sa madaling salita, hayaan mo na lang na ang pag-ibig o pagtingin mo kay Mr. Virgo ang kusang humusga sa susunod pang panahon. Dahil ang nakatakda ay posibleng mangyari at habang may relasyon kayo ni Mr. Virgo, kahit bilang mag-bestfriend lang, kusang made-develop ang damdamin mo sa kanya. Ganundin ang damdamin niya sa iyo, habang sa panahong ‘yun, unti-unting makakahalata si Mr. Aquarius hanggang sa matanggap niya ang naghuhumiyaw na katotohanang nakatagpo ka na ng iba kaya matabang ka na sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page