top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gusto nang magseryoso pero ‘di makapili sa 3 gf

BULGAR
Jun 25, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 25, 2022


Dear Maestro,


Problemado ako sa pag-ibig at hindi naman sa pagmamayabang, pero tatlo ang girlfriend ko ngayon at naguguluhan ako kung sino ang dapat seryosohin sa kanila. Naisipan kong sumulat sa inyo upang malaman kung sino sa kanilang tatlo ang talagang ka-compatible ko. Naka-date o nakasama ko na rin silang lahat sa iba’t ibang pagkakataon at higit akong nagandahan kay Ms. Gemini, na may birthday na June 4, 1998.


Habang si Ms. Cancer naman ay isinilang noong June 21, 1997 at ‘yung pangatlo ay si Ms. Sagittarius na isinilang noong November 29, 1998, habang August 10, 1994 ang birthday ko.


Sino sa mga nabanggit na babae ang ka-compatible at makakatuluyan ko?


Umaasa,

Leo Boy ng Paang Bundok, La Loma, Quezon City



Dear Leo Boy,


Ang zodiac sign mong Leo na fire type sign ay nagsasabing higit at sadyang ka-compatible mo ang Sagittarius na isa ring fire type sign kung ikukumpara sa isang Gemini o Cancer. Sapagkat tulad ng naipaliwanag na, ang parehong fire type sign na zodiac sign n’yo ni Ms. Sagittarius ay tugma at suwetong-suweto sa isa’t isa.


Habang sa Numerology naman, ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) na strong number ay suweto ring isama sa weak na number na 2 o 29 (naging 2 ang 29 dahil ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ni Ms. Sagittarius na isinilang noong November 29, 1998.


Ibig sabihin, kung nagbabalak ka nang magseryoso sa isa, mabuti ‘yan at ang dapat mong seryosohin na maging nobya at puwede mo na ring pakasalan at makasama habambuhay ay walang iba kundi si Ms. Sagittarius, na nagtataglay ng birthday na November 29, 1998.


Muli, walang duda na kapag kayo ang nagkatuluyan ay may pangako ng matagumpay at maligayang pagpapamilya habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page