top of page

Gurong worried na baka ‘di na matagpuan ang prince charming, taong 2025 mami-meet si Mr. Libra

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 14, 2023




KATANUNGAN

1. Ako ay isang teacher, 37-anyos, gusto ko na sanang mag-asawa. May boyfriend ako kaya lang ay mas bata siya sa akin ng tatlong taon at nasa abroad siya ngayon nagtatrabaho bilang isang seafarer.

2. Ang problema ko ay ‘di pa raw siya handang mag-asawa dahil gusto niya muna umanong magbuhay binata.

3. Maestro, sa palagay mo ba, mahal ako ng lalaking ito? Bakit parang wala siyang balak na pakasalan ako, kahit na 34-years-old na siya?

4. Kailan kaya ako makakapag-asawa? At kung makakapag-asawa ako, ito na kayang boyfriend ko o may darating pang iba? O baka naman tatanda na lang akong dalaga?

KASAGUTAN

  1. Hindi ka tatandang dalaga Abbie, sapagkat nagtataglay ka ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, dalawang beses kang magkakaroon ng karelasyon at ang dalawang relasyong ito ay kapwa malalim talaga. Ngunit sa kabilang dako, bagama’t maikli at medyo hindi naman kalinawan ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) na nangangahulugang hindi gaanong magtatagal ang unang pakikipag-boyfriend mo na maaaring siya na nga ang nararanasan at nararamdaman mo sa ngayon. Kaya ang tanong pang-ilang seryosong boyfriend mo na ba ang kasalukuyan mong boyfriend na nasa abroad?

  2. Kung una pa lang siyang boyfriend mo sigurado na ang magaganap hindi siya ang makakatuluyan mo (arrow a.), na siya ring nais sabihin ng bahagyang nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Larawan ng isang pag-ibig, paglipas ng ilang mga taon pa, darating ang ikalawang lalaki na kakatok sa puso mo, (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na sa sandaling iyong pinapasok, ay siya na ngang mapapangasawa mo at makakasama mo sa pagbuo ng isang mas maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos Abbie, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2024, magkakahiwalay na kayo ng kasalukuyan mong boyfriend, at paglipas ng isang taon, sa 2025 sa edad mong 39 hanggang 40, abot na abot sa huling biyahe, magkaka-boyfriend kang muli hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra hanggang sa tuluyang makapag-asawa at magkaroon ng isang simple pero masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page