Gumagawa ng bracelet at nag-rosary
- BULGAR
- Oct 10, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 10, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosalie ng Roxas City.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Madalas akong managinip ng mga beads. Noong isang gabi, napanaginipan ko na gumagawa ako ng bracelet na gawa sa iba’t ibang disenyo ng beads. Nang matapos ay isinuot ko agad ‘yung isa, pero bigla itong napatid dahil hindi pala matibay ang pagkakagawa ko.
Kagabi naman ay napanaginipan ko na nagre-recite ako ng rosary sa pamamagitan ng rosary beads.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosalie
Sa iyo, Rosalie,
Hindi maganda ang ipinahihiwatig kapag nananaginip ka ng beads dahil ito ay nangangahulugan ng hardwork. Mapipilitan kang magtrabaho nang husto para makaraos sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang isinuot mo ‘yung isang bracelet na binuo mo sa pamamagitan ng beads, subalit bigla itong napatid ay nangangahulugan ng pakikipaghiwalay sa karelasyon mo. Mauuwi sa hiwalayan ang pagsasama n’yo.
Samantala, kasaganaan naman ang ipinahihiwatig ng nagdasal ka ng rosaryo sa pamamagitan ng rosary beads, kung saan sasaiyo ang mga grasya at biyaya. Malapit mo nang malagpasan ang matinding dagok ng buhay at pagpapalain ka na.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments