top of page
Search
BULGAR

Growling Tigers may bangis pa naka-2 panalo vs. Tamaraws

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 19, 2023



Mga laro ngayong Linggo – MOA

9:00 AM AdU vs. FEU (W)

11:00 AM DLSU vs. UE (W)

2:00 PM AdU vs. UE (M)

4:00 PM UP vs. NU


Bago magsimula ang 86th UAAP Men’s Basketball, inihayag ng nagbabalik na si Coach Pido Jarencio na magiging masaya ang kanyang University of Santo Tomas kung matutumbasan nila ang nag-iisang panalo nila noong nakaraang taon. Panahon na upang magdiwang at hinigitan ng Tigers ang kanilang layunin at umulit sa Far Eastern University, 57-53, kahapon sa Araneta Coliseum para sa kanilang pangalawang panalo sa pagwawakas ng kanilang kampanya.


Naglabas ng bangis ang Tigers at lamang ng buong laro na minsan umabot ng 15 puntos. Bumida sa kanilang huling hirit sina Christian Manaytay na may 12 puntos at siyam na rebound at Miguel Pangilinan na may 10 puntos.


Binigo ng UST ang FEU, 68-62, noong Oktubre 22 at wakasan ang 13 sunod na talo buhat pa noong nakaraang taon kung saan hawak pa sila ni Coach Bal David. Natalo muli ng anim ang Tigers bago wakasan ng positibo ang torneo.


Samantala, plantsado na ang mga tapatan sa Women’s Final Four na defending champion National University laban sa Ateneo de Manila University at UST kontra University of the Philippines. Papasok na numero uno sa ika- siyam na sunod na taon ang NU na gumanti sa UP, 81-59, ang nag-iisang koponan na tumalo sa kanila, 72-69, noong Oktubre 8.


Nanguna sa Lady Bulldogs si Gypsy Canuto na may 16 puntos. Nagtapos na 13-1 ang NU kasama ang panalo sa huling 10 laro habang bumaba ang UP sa pangatlo na 10-4.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page