top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Green routes' para sa electric vehicles

BULGAR
Oct 9, 2022
1 min read

@Editorial | October 09, 2022


Parami nang parami ang mga sasakyan sa kalsada.


Dumagdag sa mga ito ang mga electric vehicles na sinasabing mas mura at madaling gamitin.


Gayunman, kahit ano'ng uri ng sasakyan kapag nasa kalsada na, kailangan gamitin nang maayos para masigurong ligtas ang sakay ganundin ang mga nasa paligid nito.


Kaya nga nakatakdang komonsulta ang Department of Energy (DOE) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na linggo hinggil sa paglalagay ng “green routes” para sa electric vehicles.


Sa pagdinig ng Senate finance subcommittee para sa 2023 budget ng DOE, ipinaliwanag ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na sa ilalim ng batas maaaring mabigyan ng non-fiscal incentive ang e-vehicles, ito ang exclusive lane "green route" na pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.


Sa ngayon, ginagamit ng daanan para sa mga e-vehicles ang bicycle lanes na 2 wheels lang.


Mainam talaga na magkaroon ng maayos na sistema sa lahat ng uri ng sasakyan at may mga batas na dapat sundin.


Sa pamamagitan nito, magiging ligtas ang lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page