top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Grabeng pila sa libreng sakay sa EDSA bus carousel, ‘di na nakakatuwa

BULGAR
Jul 20, 2022
1 min read

@Editorial | July 20, 2022


Marami ang natuwa nang ilunsad ang Libreng Sakay sa EDSA bus carousel at mas marami pang natuwa nang i-extend ito.


Napakalaking tipid nga naman ang malibre sa biyahe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang produkto.


Ang problema, tila unti-unti nang napapalitan ng inis ang tuwa ng mga mananakay.


Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagdagsa at grabeng pila ng mga pasahero para makasakay sa EDSA bus carousel.


Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pumapalo na sa halos 300K ang pasahero kada araw sa EDSA bus way mula sa dating 240K hanggang 260K kada araw.


Walang magawa ang mga pasahero kundi ang magtiis, bunuin ang napakahabang pila.


Aminado naman ang LTFRB na kulang ang bus na nade-deploy sa EDSA bus carousel. Ang dapat nasa 440 bus, ang nade-deploy lang ay nasa higit 200.


Paliwanag ng mga bus consortium sa LTFRB, bukod sa ilang sirang bus, may mga drayber ding hindi pumapasok dahil sa delay na pasahod. Nangako naman ang ahensiya na gagawin ang lahat para mapadali ang pagbabayad sa mga operator at nang bumiyahe na ang mga tsuper.


Umaasa tayo na agad itong maaaksyunan ng gobyerno. Napakaganda at sobrang laking kagaanan sa lahat ang libreng sakay pero kung hindi maayos ang sistema, ito ay magdudulot ng napakalaking problema. Bukod sa naaantalang hanapbuhay ng mga tsuper at maraming oras na nasasayang sa mga pasahero, maaari pang maging banta sa kalusugan ang mabilad sa arawan, maulanan o malantad sa nakahahawang sakit dahil sa siksikan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page