top of page
Matet de leon - FB.jpg

Gov't. employee na mangangampanya ng kandidato, bantay-sarado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 1, 2021
  • 1 min read

@Editorial | November 1, 2021



Hindi pa man campaign period, kaliwa't kanan ang pag-iikot ng mga kandidato para sa Halalan 2022.


Kaugnay nito, nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga empleyado ng gobyerno na huwag ikampanya ang sinumang kandidato.


Ito ay paglabag sa Civil Service Rules and Regulations.


Puwedeng mag-report ang kahit sino at kailangan mayroong ebidensiya na lumabag ang isang empleyado sa patakaran.


Sinumang mapatunayang lumabag ay maaaring matanggal sa serbisyo.


Kaya sa mga empleyado na hindi talaga maiwasan ang pagsuporta sa kandidato, kailangan nating mamili, magtrabaho o mangampanya?


Hindi puwedeng pareho dahil hindi maiiwasan na mabahiran ang sitwasyon, magamit ang impluwensiya o 'pag-aari' ng pamahalan para sa kapakanan ng kandidato.


Panatilihin natin ang malinis na kampanya at halalan. Tiyakin nating patas ito sa lahat.


Bagama't alam naman natin ang katotohanan na may angat at mayroon ding dehado pagdating sa makinarya, sana huwag na nating palalain pa.


Bilang mga empleyado ng gobyerno, hindi man tayo ibinoto ng taumbayan, ang pagkakataon na tayo'y nasa serbisyo-publiko ay isa nang napakabigat na responsibilidad.


Marami ang umaasa na palagi tayong magiging tapat sa tungkulin.


Higit sa lahat, kapakanan ng nakararami ang iniisip at hindi ng iilan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page