top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

Gobyerno, ‘wag hayaang malugmok ang mga binaha

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24
1 min read

by Info @Editorial | August 24, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi nagtatapos sa paghupa ng tubig ang problema ng mga pamilyang sinalanta ng baha. Marami ang nawalan ng kita, nasira ang kabuhayan at kailangang magsimulang muli habang ginagastusan pa ang pagkukumpuni ng bahay at iba pang pangunahing pangangailangan.


Kailangang tuloy-tuloy ang ayuda habang hindi pa nakakabangon ang mga komunidad. Pagkain, gamot at cash assistance ang agarang kailangan, ngunit dapat tiyaking mabilis, maayos at direktang nakararating ang tulong sa mga tunay na apektado.


Mas mahalaga ring magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan. Dapat palawakin ng gobyerno ang emergency employment at cash-for-work programs, lalo na sa paglilinis at rehabilitasyon ng mga binahang lugar, upang kumita ang mga residente habang tumutulong sa pagbangon ng kanilang komunidad.


Ang tunay na rehabilitasyon ay hindi lamang paglilinis ng putik at pagkukumpuni ng nasirang imprastraktura. 


Hangga't may pamilyang walang hanapbuhay at umaasa pa sa ayuda dahil sa epekto ng baha, hindi pa tapos ang trabaho ng gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page