top of page

Gobyerno, magkaroon na sana ng malinaw na plano sa oil price hike

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 20, 2026



Editoryal, Editorial


Sa gitna ng krisis sa petrolyo, malinaw ang isang problema: pabago-bago ang desisyon ng pamahalaan. 


Nag-anunsyo ng taas-pasahe, tapos biglang binawi. Ang resulta? Kalituhan at tila dagdag-pasanin sa mga tsuper at pasahero.


Hindi solusyon ang laban-bawi. 


Para sa mga tsuper, ang taas-pasahe ay kabuhayan. Kapag binawi ito, sila ang direktang nalulugi. 


Para naman sa mga pasahero, hindi rin ito tunay na ginhawa dahil anumang oras, puwedeng magbago na naman ang pamasahe. 


Walang kasiguruhan, walang malinaw na direksyon.

Ang mas malaking problema: wala pa ring maayos na sistema. Dapat may malinaw na batayan kung kailan tataas o bababa ang pasahe—hindi ‘yung nakaasa sa biglaang desisyon. 


Kung pipigilan ang taas-pasahe, dapat may sapat na subsidiya para sa mga tsuper. Kung wala, ipinapasa lang ang problema sa kanila.


Sa totoo lang, ang laban-bawi na ito ay tanda ng kakulangan sa plano. Hangga’t walang konkretong polisiya, mananatiling paikot-ikot ang problema. At sa huli, ang ordinaryong mamamayan pa rin ang talo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page