top of page
Search
  • BULGAR

Gobyerno at taumbayan, dapat laging tandem para sa ekonomiya

@Editorial | May 13, 2022


Hindi pa man opisyal na naipoproklama, tiniyak na ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na pag-uukulan niya ng panahon ang pagtatalaga ng magagaling na economic advisers sa bago niyang administrasyon.


Batid natin ang kahalagahan ng economic team lalo na at ito ang mag-aasikaso sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya hanggang sa mga susunod na taon.


Kaugnay nito, nakaabang na ang mga investors at negosyante sa kung ano ang magiging economic policies ng administrasyong Marcos.


Bukod sa pagbuo ng magaling na economic team, kailangan ding maging mahusay sa gagawing pagpili ng mga magiging miyembro ng gabinete. Sang-ayon tayo sa pahayag ni Marcos na magiging bukas ito sa lahat, kakampi man o kalaban, basta kaya ang trabaho at maaasahan sa serbisyo-publiko.


Sadyang mapapalaban ang bagong administrasyon dahil bukod sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic, may iba pang mga problema na patuloy na dinaranas ng bansa. Ilang bagyo rin ang dumaan at maraming kabuhayan ang nawasak.


Umaasa tayo na magiging piling-pili ang mga itatalaga sa gabinete, ‘yung hindi lang basta magaling kundi ‘yung nasa puso ang pagseserbisyo sa bayan.


Pakiusap naman sa taumbayan, gampanan din natin ang ating obligasyon na nagsisimula sa ating sarili at sa pamilya. Manatiling responsable, disiplinado at magkaroon ng direksyon.


Hindi kakayanin ng gobyerno na mag-isang maiangat ang bansa, kailangan ang tulong at pakikiisa ng bawat mamamayan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page