Giyera sa Middle East... Presyo ng gamot at pagpapaospital, sapul — DOH
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Madel Moratillo @Business | March 26, 2025

Photo Department of Health
Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa sa posibilidad ng pagtaas ng halaga ng gamot at pagpapaospital sa bansa kasundo ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Tiniyak naman ni Herbosa ang mahigpit na monitoring ng Department of Health (DOH) sa kasalukuyang sitwasyon at posibilidad ng problema sa delivery ng mga imported na gamot at iba pang medical supply.
Kung mangyayari ito, puwede aniyang magkaroon ng shortage.
Paglilinaw ng kalihim, sa ngayon, wala pang shortage ng gamot at medical supplies.
Maaga lang aniya silang kumikilos para maiwasan ang paglaki ng krisis.
Kaya ang DOH, naglatag na rin aniya ng emergency preparedness measures kabilang ang pagsuri sa kanilang inventory at tiyakin ang sapat na stock ng gamot at medical supplies.




Comments