Giraffe, pahiwatig ng magandang kapalaran; Kambing, babala na pinagpaplanuhan ng mga kaaway
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 20, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mildred ng Zambales.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na namasyal ako sa isang magandang garden malapit sa bukid namin. Nagtaka ako dahil may giraffe ru’n, ang alam ko kasi ay walang giraffe rito sa Pilipinas, maliban sa mga zoo. Gayundin, may nakita akong kambing.
Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Mildred
Sa iyo, Mildred,
Ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namasyal ka sa magandang hardin na malapit sa bukid n’yo ay marami kang nakatakdang gawin sa darating na mga araw. Gayunman, ito ay magiging kapaki-pakinabang at maghahatid ng kaligayahan sa iyong mga kabarangay.
Ang giraffe naman na nakita mo sa garden ay nangangahulugan ng mabuting kapalaran, kung saan susuwertehin ka at uunlad ang iyong kabuhayan.
Samantala, ang kambing naman ay nagbababala ng mga kaaway mo na nagbabalak ng hindi maganda laban sa iyo. Maraming naiinggit sa kalagayan mo, kaya maging mapagmasid ka at talasan mo ang iyong pakiramdam upang hindi ka maisahan ng iyong mga kaaway.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments