top of page
Search
BULGAR

Ginto para sa Phl paddlers sa ICF Dragon Boat meet

ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 3, 2024



Ang Philippine masters mixed gold medal sa 20-seater 200 meters sa idinaraos na ICF Dragonboat World Championships kahapon na idinaraos sa Puerto Princesa, Palawan. (icfpix)


Naka-gold muli ang Philippine paddlers sa ikalawang araw ng ICF Dragon Boat World Championships nitong Okt. 29, na binubuo na ng apat na ginto, dagdag pa ang 1 silver at bronze sa naturang world-class course na idinaraos sa Puerto Princesa Baywalk, Palawan.


Sa gitna ng kalmadong karagatan ng umaga, nasungkit ng hosts Philippines ang golden breakthrough sa wire-to-wire finish sa standard boat mixed 200-meter finals sa oras na 47.07 segundo.


Nagwagi sila sa karera sa agwat na 2 metro kasunod ang Canada (48.69) at Individual Neutral Athlete squad na binubuo ng Russian athletes (49.03) na sumegunda rin sa kompetisyon na itinaguyod din ng Philippine Sports Commission at Tingog party-list.


Mabilis ang paggaod ng PH women’s masters squad at nakuha ang ginto sa 40+ 200-meter event na umoras sa bilis na 49.41 seconds, nanaig sa Czechoslovakia (50.84) at Hungary (52.12).


Nanguna naman ang PHL men’s masters team sa standard board 200-meter event (49.01) habang ang mga Pinay ay dumagdag ng apat pang ginto (55.22) sa meet na inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Federation at Puerto Princesa City government.


Nakipagsabayan din ang hosts PHL para masungkit ang silver medal sa men’s 20-seater standard boat open event (47.59) at bronze sa women’s 20-seater 200-meter event (55.22) na hindi inaasahan ang lakas ng performance sa meet kasabay ng centennial jubilee ng International Canoe Federation.


“Ginawa lang namin yung ginawa namin sa training with some slight changes. Huminga kami ng malalim then tuloy-tuloy na. Kumbaga full throttle,” ayon kay national team skipper OJ Fuentes ang unang nakagintong medalya sa opening event kamakalawa.


“Sa last 10 meters gitgitan na yan,” dagdag ni Fuentes. “Masaya kaming makakuha ng first gold pero hindi pa tapos yung misyon namin. Umpisa pa lang yan at hopefully sunod-sunod na.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page