top of page
Search
BULGAR

Ginaya lang daw sa lumang pelikula… MMFF MOVIE NI VICE, IPINETISYON NI ATTY. TOPACIO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 18, 2024



Showbiz News

Umagaw ng eksena ang Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio sa launching ng Sine Sigla sa Singkuwenta ng 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall nu'ng Martes ng hapon.


Matapos ngang ianunsiyo ang first five entries na napili among the 39 scripts na isinumite para sa 50th MMFF, biglang tumayo si Atty. Ferdie at naglitanya sa mga press people na nagulat daw siya nang marinig ang synopsis ng And The Breadwinner Is… movie na pagbibidahan nina Vice Ganda at Eugene Domingo na mula sa Star Cinema at IdeaFirst film production.


Ang movie entry ni Vice ang una sa limang films na in-announce na sinundan ng Green Bones na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Sofia Pablo mula sa GMA Pictures; Strange Frequencies: Haunted Hospital mula sa Reality MM Studios, Inc. na pagbibidahan nina Jane De Leon, Enrique Gil, Alexa Miro and MJ Lastimosa; Himala: Isang Musikal ng Kapitol Films-Unitel starring Aicelle Santos at Bituin Escalante; at The Kingdom ng APT/MZET at MQuest na unang pagsasama nina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual.


Hindi pa nakuntento si Atty. Ferdie, sa Q&A portion ay hiningi niya ang microphone para siya na mismo ang mag-voice out kina MMDA/MMFF Chairman Atty. Don Artes at Mowelfund CEO Ms. Boots Anson-Rodrigo ng concern niya sa pagkakapasok ng pelikula ni Vice Ganda.


Pahayag ni Atty. Ferdie, “Isa lang pong request, Sir. Based on the synopsis that I’ve heard, ‘yung pelikula ni Vice Ganda, the plot appears to be an exact duplicate of the plot of the 1955 film Higit Sa Lahat starring Rogelio dela Rosa and Emma Alegre. And could you please look into that and if there are possible consequences as to copyright, etc.? 


“Kasi I’m a movie buff, I watch at least two movies a day, even old movies. Pakitingin lang po if this is a case of plagiarism,” marespeto namang pagtatanong ng lawyer-turned movie producer. 

Present si Atty. Topacio sa naturang event hosted by the Manila government sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuña dahil isa ang Borracho Films biopic na Gringo: The Life Story of Gringo Honasan na pagbibidahan ni Sen. Robin Padilla sa 39 scripts na isinumite sa MMFF executive committee para basahin at pag-aralan.


Unfortunately, hindi nga nakapasok ang movie as official entry pero ayon kay Atty. Ferdie, itutuloy pa rin nila ito at susubukang matapos agad at ipapalabas na lang sa regular screening.


Kung nakita naming medyo disappointed si Atty. Topacio sa resulta ng mga pumasok na entries, sport naman itong tinanggap ni Sen. Gringo na present din sa event at chill lang.

Samantala, hindi lang naman ang movie ni Sen. Robin ang hindi pinalad na mapasama sa MMFF 2024, dahil a day before the launching ng Sine Sigla sa Singkuwenta, nakausap din namin si Aga Muhlach sa mediacon ng Da Pers Family na bagong sitcom ng kanyang pamilya sa TV5 na magsisimula na sa July 21, Sunday, 7:15 PM, at aniya, may entry din siyang ipinasok sa MMFF at sana nga raw ay makapasok, but unfortunately, ‘di nga napasama sa first five.


Well, dahil sa pagbabalik nina Vice Ganda at Bossing Vic Sotto sa MMFF, siguro naman ay masusundan uli ang malaking kinita ng MMFF 2023 na umabot sa P1.2 billion dahil kumita raw ang Rewind ng P1 billion.


Napaisip tuloy kami, ibig bang sabihin, nasa P200 million lang ang total na kinita ng lahat ng natitirang entries that time?

Tama ba kami sa Math? Hehe!


 

Speaking of Bossing Vic Sotto, nadagdagan na naman pala ang maraming endorsements nito sa pagdating sa kanya ng Playtime online gaming app na fastest growing dahil six months pa lang sa circulation, aba’t ang dami nang nalololo at aliw na aliw maglaro dito, ha?


Tinanong nga namin ang PR man ng Playtime na si Jay Sabale kung bakit si Bossing Vic ang napili nilang endorser ng digital entertainment platform na ito samantalang mas kilala si Joey de Leon na nagka-casino kesa kay Bossing Vic.


Paliwanag ng dating GMA-7 news correspondent turned PR man, bakit naman hindi si Bossing Vic, eh, siya pa rin ang pinakasikat na endorser ngayon at household name, bukod sa kilala siyang host ng iba’t ibang game shows sa TV.


Next question namin, ibig bang sabihin nito, nag-o-online gaming na rin si Bossing Vic at tumataya?


Ani Sir Jay, “I think so, pero just to kill time lang naman siguro, entertainment lang, habang naglilibang.”


At ‘di naman siguro aakusahan si Bossing Vic na bad influence dahil may paalala siya sa mga manlalaro at tumataya na “Game responsibly.”


At bawal daw ito sa mga 21 years old below kaya walang dapat ipag-alala ang mga magulang na maadik dito ang kanilang mga anak dahil sa milyon na puwedeng mapanalunan.


At dahil 22 yrs. old na kami (sabeee?), puwede na kaming mag-download at maglaro ng Playtime, hahaha!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page